Chapter 29

39.5K 490 45
                                    


"Tinulak mo ako! Sinabi ko lang naman 'yung totoo sa'yo pero ayaw mong tanggapin kaya nagalit ka at tinulak mo ako!" sigaw niya, umiiyak.

"H-hindi ko sinasadya... Alam mo ang totoo..." mahinang ani ko.

Tumalim ang tingin niya sa'kin. Na para bang sa tingin niya ay pinapatay niya na ako.

"She pushed me, Tita," paghingi niya ng tulong.

Umiling ako. Hindi na lang nagsalita. Kung paniniwalaan nila ang mga sinasabi niya ay wala na akong magagawa. Basta alam ko sa sarili ko ang totoo.

Hindi ko kailangang idepensa ang sarili ko kung wala din naman.

"Huminahon ka muna, Lanica..." huminga ito. Matalim pa din ang tingin sa'kin.

"Ano ba talagang nangyari mga, Iha? Solana," tumingin ito sa'kin.

Nasabi ko naman na hindi ko sinasadya na itulak siya.

"Itinulak mo ba talaga siya, anak?" marahang tanong niya.

Umiling ako. Nangingilid ang gilid ng mga mata.

"H-hindi ko po sinasadya 'yun... Gusto ko lang din naman pong protektahan ang sarili ko..."

"Ikuwento mo ang lahat ng nangyari." tumingin ako sa kanya. Mas tumalim lang ang tingin niya.

"D-dumating po siya... kung ano-ano po ang sinabi niya about sa kanila ni Yleo... tapos napunta bigla sa Mama ko... Hindi niya na po nirespeto ang Mama ko..." nabasag ang boses ko.

Naramdaman ko naman ang palad ni Yleo sa buhok ko. Hinaplos niya 'yun.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Tita. Bigla niya akong sinu-"

"Ikaw ang unang nag-umpisa, Ma'am Lanica." pigil ko. Natigilan siya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili dahil nanginginig na ang mga kamay ko. Ganito ako kapag galit at hindi na kaya ng pasensya ko.

"You disrespect my Mom." mariing ani ko.

"Sinampal mo ako! Bigla mo akong sinampal. Ikaw ang nauna kaya h'wag kang feeling pavictim."

Napapikit ako. Hindi ko lang naman napigilan ang sarili ko... Hindi ko din inaasahan na magagawa ko 'yun.

"Ikaw ang nauna di'ba? Bakit hindi ka makaimik."

I bite my lips. Pinigilan ko ang sariling h'wag ilabas ang hikbi.

"Solana, Iha,"

"Inaamin ko pong sinampal ko siya..."

"Oh see, Tita. Siya itong unang nanakit at hindi ako. Muntik pa akong malunod dahil sa sa'yo. Gusto mo ata akong mamatay." saad niya.

"Iha..."

"Kasalanan ko po... Ako na po ang may kasalanan..."

Huminga sila Tito at Tita. Mataray lang naman akong tiningnan ni Ma'am Lanica. Siya naman talaga ang nauna. Somobra lang talaga siya kaya nagawa ko 'yun... pero hindi matatapos ito kung walang magbababa ng pride.

Mukhang mataas ang pride niya, e.

Napasinghap ako ng may lumagatok. Umawang ang labi ni Ma'am Lanica.

"How dare you..."

Halos lahat kami ay napasinghap na ng sampalin na naman siya ni Jennica pero sa kaliwa naman. Kita ko ang pagpula ng mga pisnge nito kaya alam kong masakit ang sampal niya.

"You bitch. Masyado kang sinungaling. Nasampal ka ni Solana dahil sobra ka na. Pero kita ko kung paano siya hindi lumaban ng hawakan mo ang buhok niya at kaladkarin papunta sa pool. Kung hindi ka naitulak ni Solana ay siya ang malulunod di'ba?"

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon