Chapter 1

82.7K 1K 20
                                    


"Salamat!" ngi-ngiting saad ni tiya.

Ngumiti lang ako. Gusto ko silang palaging masaya at natutuwa sa 'kin kaya ginagawa ko ang lahat para maging proud sila.

Utang ko ang buhay ko sa kanila kaya gano'n na lang ako. Kalahati ng suweldo ko ang binigay ko at kalahati naman ang sa 'kin. Nagtitipid din ako dahil madaming gastusin sa school.

2nd year college na ako ngayon. Scholar ako kaya less gastos. Accountancy ang course ko. Hindi naman ako matalino. Nakakaintindi lang siguro ako ng lesson. Kapag nakinig naman kasi ng mabuti sa teacher ay hindi ay hindi ka mahihirapan.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ito na naman ako.

Nakasuot ako ng backless night dress, red. Pasando lang siya. Hanggang hita lang din.  Sanay naman na ako sa ganito pero hindi ko pa din maiwasan na mailang. Si tiya ang nagpasok sa 'kin dito pero sumasayaw lang naman ako.

Sinasayawan ko lang naman ang mga customer. Hindi sa stage kundi sa private room. Minsan nababastos ako pero wala naman akong nagagawa dahil kapag nanlaban ako ay matatanggal ako. Pero kapag nadungisan ang dignidad ko ay manlalaban ako. Hindi na ako menor. Nagaalinlangan pa ako nung una dito pero nung makita kong masaya si tiya ay pumayag na din ako.

Kahit paano naman ay gumagastos ako na ang gamit ko ay sarili kong pera at hindi sa kanila.

"Uy, Elya! Ready ka na?!" sigaw ni Naila sa 'kin.

Marahan lang akong tumango habang kagat ang labi at nakahawak sa magkabilang gilid. Tinitigan niya ako. Maya-maya ay ngumiti siya sa 'kin ng malapad. Siya ang kaisa-isang kaibigan ko dito at umaasikaso. Siya ang nag-aayos at nagmamake-up sa 'kin. Mas matanda siya sa 'kin ng dalawang taon kaya parang ate ko na siya pero ayaw niyang tawagin ko siyang ate.

Nakakatanda daw kasi.

"Wow, mas lalo kang gumanda. Ang hot mo talaga sa red!" papuri niya.

Maliit akong ngumiti, nahiya. Araw-araw niya naman akong pinupuri. Madalas kulay pula ang ipasuot niya sa 'kin kasi iba daw ang dating ko sa red na damit.

Lumapit siya sa 'kin at inayos ang buhok ko. "Kaya mo ba talaga, Elya? Puwede naman akong pumalit sa 'yo."

Umiling ako. Alam niyang naiilang pa din ako sa ganito. Kapag hindi ko kaya ay siya ang gumagawa. Pinapalitan niya ako.

"Kaya ko naman..." mahinang sagot ko.

Ngumiti siya. "Bigatin ang nasa room na 'yon! Kilala pati ang lalaking 'yon! Ghod! He's so hot too, Elya. Promise, malalaglag panga mo," saad niya.

Wala naman akong interes sa sinabi niya. Wala naman akong pakialam kung guwapo pa ito. Mayaman o hot na sinasabi niya. Kung trabaho ay trabaho. Bawal mahulog dahil dito ang mga lalaki ay isang laruan lang ang tingin sa 'yo.

Ng makatungtong ako sa loob na ito ay bumaba ang mga tingin ko sa lalaki dahil nakita ko kung paano sila mawalan ng respeto sa mga babae.
Dito lang nila dinadala. Sa kung saan na lang nila hinahalikan at kung saan na lang nila gustong galawin.

Hindi na nila respeto.

Hindi ko din maintindihan sa ibang babae kung bakit kapag guwapo at mayaman ay nagpapauto sila.
Guwapo nga. Mayaman nga. Wala naman respeto at galang. Hindi din kagalang-galang tingnan.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon