Chapter 7

51.4K 710 98
                                    


"Hindi po puwede."

"Solana." napanguso ako. "Sabing h'wag mag-po. Gusto mo talagang hindi lang labi mo ang kagatin ko?"

Mas lalo akong napanguso. Ambig deal naman sa kanya na mag-po ako. Wala naman masama do'n, e.

"Respeto ko po sainyo 'yun-ah!" daing ko sabay takip sa bibig.

Bigla niya lang naman kasing kinagat ang leeg ko! Hindi lang kinagat, sinipsip pa!

"Sabi sa'yo. Hindi lang labi mo ang kagagatin ko. Isa pang  po at sir. Hindi lang leeg na." pananakot niya.

Napahawak ako sa leeg ko. Ngumisi naman siya para samaan ko siya ng tingin.

Umawang ang labi niya at parang namangha. "Wow. Hindi lang pala mapang-asar ang baby ko. May iba pang ugali."

Inirapan ko siya. Hindi ko din alam kung bakit lumalabas ang ugali kong ito sa kanya. Samantalang hindi ko man lang kailanman naipakita ang ugaling ito sa mga kasama ko sa bahay.

"Pake mo po ba, Sir?" pang-aasar ko sabay talikod.

"Napakabad girl mo." rinig kong saad niya.

"Mas matanda ka naman kasi sa'kin, Sir!"

"Ikaw."

"Yleo!" sigaw ko sa pangalan niya ng bigla niya akong hinila paupo sa kandungan niya.

Patagilid tuloy akong nakaupo.

"One more." napakunot ang noo ko.

"Ano?"

"Call me by my name." utos niya.

"Huh? Bakit?" takang tanong ko.

"Please, I want to hear it again." paglalambing niya.

Nakakarupok pala!

"Yleo..." mahinang saad ko.

"Again, please? 'Yung mas malakas."

"Yleo Lexus Mat Sollano." banggit ko sa buong pangalan niya.

Buti na lang ay natandaan ko.

"Fuck. Bat ang hot pag-ikaw ang bumabanggit?" sabay siksik niya sa leeg ko para makiliti ako.

Ang clingy naman pala ng lalaking ito.

"Si-este Yleo. May trabaho pa'ko," saad ko sa kanya.

"Yoko. Di'ka na babalik do'n." parang batang pagkakasabi niya para mapanguso ako.

"Hindi puwede. Pagagalitan ako ni tiya kapag nalaman niyang hindi ako sumayaw do'n. Sas-" napahinto ako ng marealize ang sasabihin.

Hindi niya puwedeng malaman. Baka kaawan niya pa'ko.

"Sinasaktan ka nila?" marahang tanong niya sabay alis ng ulo niya sa leeg ko.

Nag-iwas ako ng tingin pero pinaharap niya ang mukha ko.

"Answer me, baby... Sinasaktan ka nila?" napakagat ako ng labi at dahan-dahan na tumango.

"H'wag kang maaawa sa'kin..." saad ko agad.

"Dito ka na lang sa'kin..." malambing niyang ani.

Mukhang posibleng mahulog ako sa kanya dahil sa pinapakita niya. Sa mga salita niya pa lang ay nahuhulog na ako.

Ayaw kong mahulog ng sobra. Baka sa huli ay ako ang umiyak at talo.

"H-hindi puwede... Hindi ko sila kayang iwan kahit na gano'n sila sa'kin..." mahinang sagot ko.

"Bakit ang bait-bait mo? Sinasaktan ka na nila lahat-lahat pero sila pa din ang iniisip mo..." kasi sila na lang ang pamilya ko.

Tumitig ako ng diretsyo sa mga mata niya. "H-hindi ko kilala ang mga magulang ko... Sila lang ang kilala kong kamag-anak ko..."

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon