"Yleo...""Yes, baby?"
Agad siyang humarap sa akin. I smiled at him. Pinatakan ko siya ng halik sa labi at lumambitin sa leeg niya.
He chuckled and kissed my nose.
"Thank you for everything.... thank you for making me feel loved... and for being proud of me..."
Hindi ako masyadong proud sa sarili ko kahit na alam ko na kailangang maging proud ako sa mga achievements na nakukuha ko... pero siya... proud na proud siya sa akin.
Pinaramdam niya sa akin na kamahal mahal ako... na proud na proud siya.
"As long as I'm alive you'll always have someone who's proud of you in everything..." malambing niyang ani.
Nangilid ang gilid ng mga mata ko. Natawa siya ng mahina at agad na hinalikan ang mga mata ko.
"Shhh... don't cry, baby... I'm always proud of you..."
I hugged him and cried on his chest. Pakiramdam ko hindi ko deserve 'yung pagmamahal na binibigay niya sa akin dahil sobra sobra na.
Sobra na sobra na ang mga binigay niya para lang pasayahin ako...
"I'm so lucky to have you..." I whispered.
Hinalikan niya ng ilang beses ang tuktok ng ulo.
"Mas suwerte ako, baby... kasi pinasaya mo ako ng sobra..." he whispered back.
Sinapo niya ang mukha ko at marahang pinunasan ang mga mata ko.
"All I want is spending time with you... it's the most precious thing in my life..."
I sobbed.
"Habang buhay mo akong kasama, baby... Hinding-hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit ng kahit na sino... Hinding-hindi ka makakawala sa bisig ko."
Ang tanging nagawa ko na lang ay halikan siya sa labi na ikinatawa niya.
No word to explain my feelings right now. I'm so happy... happy to have him in my life.
Habang buhay ko siyang makakasama. Hindi na ako magiisa. Hindi na ako iiyak mag-isa dahil may taong makikinig na sa akin palagi. Sa kanya ko iiiyak ang lahat.
Sa madilim na kong buhay ay siya ang nagpaliwanag nito.
Sapat na sila ni Fairah sa akin at wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama sila habang buhay. Sapat na sila. Sapat na sapat na silang dalawa sa buhay ko.
Hindi nasayang ang pagsakripisyo ko sa mga pangarap ko dahil ito ang kapalit... Ang maging masaya ako habang buhay sa mga bisig niya.
"Hindi talaga ako makapaniwala na si Yleo ang unang ikakasal sa mga anak natin, Hon..." saad ni Mommy Fely.
Naiilang pa din ako sa pagtawag sa kanya ng Mommy pero kailangan ko ng sanayin ang sarili ko dahil ako lang ang hindi tumatawag sa kanya noon.
This is the best family ever. And I'm happy to part of them.
"Akala namin ay si Yiem ang unang ikakasal. Ito pa lang si Yleo." Umiling ito.
Tumawa naman si Daddy Yieler.
"Pero si Yielo ang unang bumili ng bahay sa kanilang apat. Biruin mo, highschool pa lang gusto ng pumasok sa kompanya dahil gusto niyang mag-ipon para makabili siya ng bahay para sa kanila ni Celesta kahit na wala pa naman kasiguraduhan." tumawa ito.
Napalingon ako kay Yielo na tahimik lang pero namumula ang mukha. Napapahagihik naman si Celesta.
Highschool? So highschool pa lang ay sila na?
BINABASA MO ANG
The Paths Connected (Sollano Brothers #2)
RomanceSolana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected happened her mother passes away. Before it disappeared from the world, it bequeathed its maiden daughter to the young man's family and they assigned it to Yleo to find her. Whe...