"Ingatan mo 'yang pamangkin ko, Iho!" si tiya.Napahinga ako. Masyado siyang plastic sa harapan ni Yleo. Hindi na lang ako nagsalita. Hinayaan na lang siya sa mga sinasabi niya kay Yleo kahit alam ko sa sarili kong lahat ng 'yun ay labag sa kalooban niya.
Kailangan niya lang sabihin dahil kaharap niya si Yleo.
May family vacation sila pero gusto niya akong isama. May isang linggo naman kaming pahinga dahil malapit na ang exam namin para sa second sem. Binigyan kami ng isang linggo para makapagreview na din.
"H'wag po kayo mag-alalala. Hindi ko po pababayaan si Solana." sabay pisil niya sa baywang ko.
Tiningnan ko lang siya. He kissed my cheeks Infront of them. Nakita ko ang pag-irap ni Jude.
"Basta ingatan mo si Elya, Iho. Ibalik mo dito ng maayos at walang galos ang pamangkin ko."
Gusto kong sabihin na paulit-ulit na lang siya sa sinasabi niya... pero hindi naman ako bastos kaya nanahimik na lang.
"Ito nga po pala, pang-gastos-"
"Yleo." saway ko sa kanya.
Napatigil siya at tumingin sa'kin. Ngumuso at nagpuppy eyes. Inis lang akong napasinghap lalo na ng sumabat pa si tiya.
"Maraming salamat, Iho!" ngiting saad niya. Nagniningning ang mga mata habang nakatingin sa libo-libong perang hawak niya.
Pasimple ko lang sinamaan ng tingin si Yleo.
Nakahawak lang siya sa baywang ko hanggang sa makasakay kami sa Van. May nagbitbit ng mga gamit ko. Hindi naman gaano karami ang dala ko.
Sakto lang para sa isang linggong bakasyon kasama ang pamilya niya. This is my first having a vacation tapos kasama pa ang pamilya niya. Ni hindi niya pa nga ako kasintahan.
"Baby, are you mad?" malambing nitong tanong.
Tiningnan ko lang siya. Napanguso ito at nagcross arm. Parang batang napagalitan ng Ina.
"Baby..."
I looked at him. "Bakit mo ginawa 'yun, Yleo? Ang laki nung perang binigay mo." I hissed.
He pouted. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala 'yun sa labi niya na parang pinapakalma.
"I'm sorry, baby..."
I sighed. Hinayaan ko na lang siya. Wala naman na akong magagawa dahil naibigay niya na. Hindi na puwedeng bawiin.
"Sleep, baby..."
"Yleo!" saway ko.
He chuckled. Walang kahirap hirap niya akong binuhat paupo sa hita niya patagilid. Hinawakan niya ang likod ko para alalayan habang nakapatong ang mga hita ko sa upuan na dapat kong upuan.
"Sleep, baby... Malayo pa tayo..." he huskily whispered.
Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Hinahaplos niya naman ang braso ko pababa. Nakaramdam ako ng ginhawa sa ginawa niya lalo na sa paghalik niya sa buhok ko para makatulog ako.
"Nasasaktan po ako..." umiiyak na ani ko.
Mas hinigpitan niya lang ang hawak sa buhok ko. Ng makapasok kami sa bodega ay itinulak n'ya ako ng malakas para maramdaman ko ang sakit ng likod ko dahil sa pagkakatama ko sa kung saan.
Mas lalo akong napaiyak dahil sa sakit na naramdaman.
"Diyan ka lang! H'wag kang lalabas dito!" sigaw niya.
Alam kong kinandado na naman ni tiya ang pinto sa labas.
Humikbi ako at niyakap ang sarili. Madilim sa loob. Nakakatakot.
BINABASA MO ANG
The Paths Connected (Sollano Brothers #2)
RomanceSolana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected happened her mother passes away. Before it disappeared from the world, it bequeathed its maiden daughter to the young man's family and they assigned it to Yleo to find her. Whe...