Chapter 6

52.7K 693 68
                                    


Bumilis ang pintig ng puso ko dahil lang doon! Natahimik tuloy ang buong klase at napatingin sa'kin kaya bahagya akong napayuko.

Bakit niya sinabi 'yun? Ano na lang ang iisipin nila.

"Uh...Sir?" tanong nila.

Napakagat ako ng labi ng may makitang dalawang pares ng sapatos sa harapan ko.

Alam ko na agad kong sino ang lalaking nasa harapan ko!

"Baby," sabay angat niya sa baba ko.

Namumungay ang kanyang mga mata at parang may gustong gawin.

"S-sir... please po, h'wag dito..." mahinang bulong ko.

Maliit siyang napanguso.

Hala, ang cute.

"Kinahihiya mo'ko?" hindi galit ang boses. Malambing ito!

"H-hindi po...h'wag po dito, please?" sabay kagat ko sa labi ko para mas mapanguso siya.

Ang cute talaga. Parang bata!

Naramdaman ko ang labi niya sa noo kaya napapikit ako. This feeling.

"I love you..." bulong niya.

Hindi ko alam kung paano natapos ang klase. Wala ako sa sarili at hindi masyadong naiintindihan ang mga pinapaliwanag niya.

Panay din ang sulyap niya sa'kin at ngumunguso kaya hindi ko maiwasan na mapangiti.

Para kasing bata na may gusto habang nakaupo sa tabi.

Hindi naman nagtanong na ulit ang mga kaklase ko. Himala nga at bigla silang tumahimik at mga walang imik matapos makita ang tagpong 'yun.

At hanggang ngayon ay nahihiya pa din ako dahil alam ko ang mga nasa isip nila.

Napapakagat na lang ako ng kuko kapag nasa akin ang mga paningin niya. Nginingitian ko naman siya pero ngumunguso lang ito.

Ang cute talaga.

"Hmm, sabay tayo, baby." napaayos ako bigla ng tayo dahil sa bulong niya sa likuran ko.

Nakakagulat naman siya!

"P-po?"

"Sabay po tayong kumain..." napatango lang ako.

Hindi ko matanggihan. Iniisip ko pa din kasi 'yung labi niya, e. Kung paano siya ngumuso.

Napatingin tuloy ako do'n at agad na nag-iwas ng lumingon siya. Napayuko ako sa hiya.

Hala! Nakita niya ata na tinitigan ko ang labi niya!

"Gusto mo ba akong halikan? Sige lang. Halikan mo lang." namula ako.

Pakiramdam ko ay tumaas din ang lahat ng dugo ko dahil sa sinabi niya.

Gusto na agad halikan?! Hindi ba puwedeng...ano, wala pala.

"H-hindi po..." namumulang saad ko na ikinatawa niya pa.

"Tangina. Ang cute cute mo." sabay pisil niya sa pisnge ko na ikinaawang ng labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya 'yun patakan ng isang mababaw na halik.

Hinalikan niya ako? Ulit?

"'Yan, hinalikan na kita pero smack lang. Sa susunod na ang torrid." tapos ngumiti siya na parang wala lang 'yung halik.

Sa pangalawang pagkakataon ay nakuha niya ang pangalawang halik ko!

Napakagat ako ng labi at nakayukong naglakad. Nahihiya ako.

Hindi kami magkasintahan pero iba ang kinikilos namin...pero nagugustuhan ko naman.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon