Tahimik akong umupo. Nakatingin sila sa'kin. Sa bawat galaw ko na animo'y sinusuri ng mabuti.May panghuhusga ang kanilang mga mata.
"Sino ang lalaki mo, Elya?" tanong ni tiya.
Napakagat ako ng labi at hindi inaasahan ang tanong niyang 'yun. Atsaka hindi ko basta lalaki si Yleo.
"Anong pangalan niya? Saan siya nakatira? Mayaman ba? Baka mahirap ang lalaking 'yan!" dagdag niya.
Dumiin ang kagat ko sa labi ko. Kung malaman nila kung gaano kayaman si Yleo ay paniguradong ipagtutulakan nila ako dito... kaya mas mabuti ng h'wag nilang malaman na mayaman si Yleo.
"Ano, Elya? Sumagot ka! Mayaman ba 'yang lalaki mo?"
Umiling ako. "May kaya lang po sila..."
Nakita ko ang pagbabago ng expresyon ni tiya sa seryosong mukha na akala mo hindi nagustuhan ang sinagot ko.
Mayaman sina Yleo. Mayaman ang pamilya niya. Nagkalap ako ng mga information about him at sa family niya. I check the background of his family.
Hindi lang sila basta mayaman... pero ayoko naman sabihin kay tiya 'yun dahil alam ko ang puwede niyang gawin sa kung ano man ang namamagitan sa'min ni Yleo.
At ayaw ko ng gano'n.
"Hiwalayan mo 'yang lalaki mo, Elya. Hindi 'yan makakabuti sa'yo lalo na sa pag-aaral mo. Iahon mo naman kami sa kahirapan..." mahinahon na saad niya.
Bahagya akong napayuko at nakaramdam ng guilty sa katawan dahil do'n.
Simula baby pa ako ay si tiya na ang tumayong mga magulang sa'kin kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya kahit na madalas may hindi pagkakaintindihan lalo na... sa pera.
Kahit na gano'n ay hindi ko maiwanan ang pamilyang ito kasi malaki ang utang na loob ko.
"Sorry po.... basta pangako po... hindi ko pa kayo bibiguin..." tumango lang ito.
Nakakapanibago pero ngayon lang naging maayos sa hapag namin. Parang normal na magkapamilya lang kami kapag nag-uusap. Magaan lang din ang atmosphere.
Nanibago man ako pero napangiti na lang sa huli.
Sana ay palaging ganito para ganahan akong kumain kasama sila. Para kumakain akong kasama sila at hindi nag-iisa sa karinderya na kinakainan ko.
"May pera ka ba diyan, Elya?" napatigil ako sa pag-aayos.
"Mamayang gabi pa po..." mahinang sagot ko.
Tumango-tango ito at lumapit sa'kin. Hinaplos niya ang buhok ko ng marahan na bahagya kong ikinagulat dahil hindi niya naman ginagawa ito sa'kin.
"Kailangan ko kasi ng pera, Elya. Malaki ang utang ko sa sabong. Baka ipakulong na nila ako..." mahinang ani niya.
Nakaramdam naman ako ng awa lalo na ng makita ang takot sa kanyang mga mata. Hinawakan ko si tiya sa kamay at marahan na huminga.
"M-magkano po ba?"
Nanlaki ang mga mata niya. "Elya, kahit magkano na lang. Ako na bahala sa iba."
Napakagat ako ng labi. Saan naman siya kukuha ng ibang pambayad? Pagsusugal at pagsasabong lang naman ang alam niya.
"M-magkano po?" tanong ko ulit.
"20 thousand, Elya..." tumango ako.
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera... pero kailangan kong gumawa ng paraan.
Gagawa ako ng paraan.
"Kapag hindi ko nabayaran 'yun ay ipapakulong nila ako..." natatakot nitong ani.
BINABASA MO ANG
The Paths Connected (Sollano Brothers #2)
RomanceSolana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected happened her mother passes away. Before it disappeared from the world, it bequeathed its maiden daughter to the young man's family and they assigned it to Yleo to find her. Whe...