Chapter 37

46.9K 598 53
                                    


"B-bakit hindi mo ako nilapitan?" tanong ko sa kanya.

"I respect you... Nalaman kong emosyonal ang pagbubuntis mo... Hindi ako lumapit dahil baka makasama ako sa'yo... Baka kung anong mangyari kay baby..." sabay tingin niya sa tiyan ko.

"Hindi na ako buntis, Yleo. Stop looking at my tummy. Kanina ka pa," he just chuckled.

Kanina pa siya tumitingin sa tiyan ko na akala mo buntis ako. Parang si Eunice kung tumingin, e.

"Susundan natin si Fairah kapag one year old na siya. Hindi tayo titigil hangga't walang lalaki," namula ako.

Napasapo ako sa noo at tumingin sa kanya ng masama pero nginisian niya lang ako. Natutuwa pa siya. Samantalang ako hindi kinakaya ang sinasabi niya.

Nagagawa niya talagang isingit sa usapan naming seryoso ang mga hindi naman dapat isingit.

"Nag-uusap tayo ng maayos, Yleo. Please, be serious!" he pouted.

"Seryoso naman ako, baby,"

"Yleo!" saway ko.

Lumapit siya sa'kin at hinapit ang baywang ko. Hinalikan ang gilid ng ulo ko.

"Ito na po, magseseryoso na. Galit na agad si Misis..." napairap ako ng palihim.

"Sa'yo ba galing 'yung mga pagkain?" I asked.

"Yes..."

"Kailan mo nalaman na buntis ako?"

"Sinabi ni Eunice sa'kin,"

Napasapo ako sa noo. Ang babaeng 'yun talaga! Napaka!

"Akala ko iniwan mo talaga ako..." mahinang ani ko.

He chuckled. "Binaliw mo ako ng sobra, Solana... Do you think iiwan kita ng gano'n?" napanguso ako.

"Sabi ko nga..."

He held my hand. Namumungay ang mga kanyang mga matang tiningnan niya ako.

"Promise me, baby... kapag may mga nalaman kang hindi mo gusto. Sabihan mo sa'kin agad... Handa akong magpaliwanag. Hear my explanation first..."

Tumango ako.

"Promise, Yleo... Maniniwala na ako sa'yo... palagi..."

Tumango ito at hinalikan ako sa labi. Napahinga ako ng malalim bago tumingin sa kanya.

"Yleo... nalaman mo... mo bang muntik ko ng iwanan ang anak natin?" kinakabahan tanong ko,

Tumingin siya sa'kin. Maliit lang ngumiti.

"Wala akong hindi alam, baby... Alam ko ang lahat ng nangyayari sa'yo habang buntis ka... at hindi ako papayag na gano'n na lang. Hindi ako papayag na hindi magbayad ang tiya mo sa ginawa niya..."

Nakaramdam ako ng takot. Seryoso siya habang sinasabi niya 'yun.

"Yleo..."

"Baby, do'n be kind for this... Kung okay lang sa'yo ang ginawa ng tiya mo... sa'kin ay hindi. Madami na siyang kasalanan." mariing ani niya, umigting din ang kanyang panga.

Hinaplos ko 'yun. Kinakabahan ako tuwing ganyan ang itsura niya. Para siyang handang gumawa ng kasalanan. He sighed. Kumalma naman ito.

"B-basta h'wag mo sasaktan si tiya..." tumango ito.

"Yes, baby... I promise, hmmm..."

"Thank you..." I smiled.

"Damn. My baby is so kind." aniya at hinalikan ulit ako.

Ilang beses niya akong siniil ng halik kaya ako na ang tumigil. Sinaway ko na din siya at baka saan pa pumunta.

Siya ang nagluto ng agahan. Siya din ang nag-asikaso kay Fairah. Pinagmamasdan ko siya habang ginagawa niya ang lahat. Kung paano niya kami alagaan at asikasuhin ni Fairah... Hindi maalis ang ngiti ko sa labi.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon