"Sabi kong labhan mo! Napakatanga mo talaga! Pabigat ka!" sigaw ni tiya.Nagbaba ako ng tingin. "Pasensya na po, tiya. Ngayon ko na lang po lalabhan..." mahinang ani ko.
"Buwesit ka talaga! Nakakasira ka ng araw!" sigaw niya muli at padabog na umalis.
Napahinga na lang ako at pumunta sa washing machine na naiwan ko kahapon. Umalis na naman sila at iniwan ako. Mga nakapangbihis pang-alis.
Winashing ko muna lahat. Sa washing ko na din inanlawan at nahihirapan akong umupo dahil sa tiyan ko. Tanghali ko na natapos ang labahin. Isinampay ko din ang lahat sa labas ng bahay.
Nagpunta ulit ako sa convenience store. Nakita ko naman agad siya do'n.
"Ayos ka lang po?" tinitigan niya ako.
Umiling ako at pagod na umupo. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang pagod na nararamdaman. Hindi ko naman inanlawan sa batya pero ramdam ko ang pagod sa sarili ko dahil hindi din madali na kunin ang mga damit sa loob ng washing at idryer.
Inalalayan ko din kasi ang tiyan ko na h'wag maipit kaya nahirapan din ako.
Inabutan niya agad ako ng maiinom na agad ko namang ininom. Naubos ko ang isang bottle.
"Ano po bang nangyari sainyo? Mukha po kayong pagod." aniya.
Napahinga ako. "Naglaba kasi ako."
"Ano po?!" agad niyang tinakpan ang bibig niya kaya natawa ako. "Bakit po kayo naglaba? Hindi po dapat n'yo ginagawa 'yun lalo na at buntis po kayo."
"Kailangan kasi e. Magagalit kasi ang tiya."
"Napaka talaga ng tiya ninyong 'yan. Hindi na po tama ang ginagawa sainyo."
Nasabi ko sa kanya ang mga dinanas ko kay tiya at sa mga pinsan ko kaya ganyan na lang ang reaksyon niya.
"Sanay naman na ako..."
"Aba'y kahit na po. Buntis po kayo, paano po kung may nangyaring hindi maganda sa anak ninyo?" hinawakan ko siya sa kamay.
"Kumalma ka lang, Fairah. Maayos naman ako. Walang nangyari sa'min ng baby ko." ngumuso ito.
"Napakabait n'yo po masyado kaya kinakaya kaya nila kayo. Alam nilang hindi mo sila papatulan kaya ganyan na lang sila sainyo. Masyado silang somosobra." aniya.
"Ayos naman kami... H'wag ka mag-alala." mas ngumuso ito.
"Kukuha ko na lang po kayo ng pagkain." tumango ako.
Sinundan ko siya ng tingin habang nakangiti. Suwerte ang magiging kasintahan niya, pero sana ay h'wag na muna. Tapusin niya muna ang kanyang pag-aaral.
Nasa huli ang pagsisisi... pero hindi ko pinagsisihan ang baby ko.
"May communication naman po kayo ng Daddy ng anak ninyo?" tanong niya habang nilalapag ang dala niyang pagkain.
Halatang bagong init pa 'yun. Ng buksan niya at biglang bumaligtad ang sikmura ko at hindi nagustuhan ang amoy kaya napatakbo at naduwal. Wala naman lumabas.
"Sorry po ate huhu. Hindi po ata nagustuhan ni baby ang amoy ng pagkain..." hinagod niya ang likod ko.
Ramdam ko ang ang takot sa kanyang boses ko. Ng kumalma ako ay hinawakan ko ang kamay niya at bumalik na kami sa loob.
"Hindi ko po alam..." nanginig ang kanyang boses.
"Shhh... Ayos lang," pagpapakalma ko sa kanya.
"Ano po bang gusto ni baby?"
BINABASA MO ANG
The Paths Connected (Sollano Brothers #2)
RomanceSolana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected happened her mother passes away. Before it disappeared from the world, it bequeathed its maiden daughter to the young man's family and they assigned it to Yleo to find her. Whe...