Chapter 21

42.1K 503 35
                                    


Napasinghap ako ng malanghap ang simoy ng hangin at makita ang magandang dagat sa harapan ko. Humahampas ang alon nito.

"Wow..." I whispered.

First time kong makapunta sa ganitong kagandang lugar. Ngayon ko lang naisip na hindi ko pala masyadong iniisip at inuuna ang sarili ko.

Kinulong ko ang sarili ko. Nakalimutan ko ang sarili ko dahil mas inuuna ko ang ibang tao.

"Ang ganda dito, Yleo."

He smiled.  Humawak siya sa baywang ko. Sabay naming pinagmasdan ang magandang tanawin. Hindi masyadong madami ang tao at medjo hapon na din. Anong oras na din kami dumating dito.

"This is private resort of our family..." umawang ang labi ko at namangha.

"Sainyo 'to?" tumango siya habang nakangiti.

Mas lalo akong namangha at biglang nacurios. Gaano ba sila kayaman? May sariling restaurant tapos may sarili pang resort. Like wow.

"Maganda ang view mamaya. Abangan n'yo ang sunset." saad ni Yielo.

Inilapit ako lalo ni Yleo sa kanya. Naging seryoso na din ang mukha nito. Nakangisi naman ang kapatid niya. Namula ako ng may maalala.

"She's yours, brother. My heart is only belong to her..." he chuckled and left us.

Tumingin ako kay Yleo na hindi nakatingin sa'kin. Hinaplos ko ang panga niya para umigting ito at nilingon ako.

"G-galit ka?" mahinang tanong ko.

"I'm still jealous, baby..." ngumiti ako.

Tumingkayad ako para halikan ang panga niya.

"I'm only yours, Yleo... Sa'yo lang ako..."

Inayos ko muna ang mga gamit namin sa isang kuwarto. Magkasama lang kami sa isang silid. Nagpalit din ako ng bestida na lagpas sa tuhod. Simpleng bestida lang ito. Inayos ko din ang buhok ko.

"Hindi naman siguro ako nagpapaganda 'no?" natawa ako sa sariling tanong.

Nadatnan ko siya sa labas na hinihintay ako. He smiled at me. Tinitigan niya din ang buong suot ko para mamula ako.

"My baby is so pretty..." he whispered.

Hinawakan niya ako sa baywang. Nagtatawanan kaming dalawa habang naglalakad.

I'm so comfortable. Ngayon ko naramdaman ang sobrang kasiyahan. Buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ito. At si Yleo... siya ang dahilan.

Inasikaso niya ako. Hinalikan niya pa ako sa pisnge bago umupo sa tabi ko para mapatingin sa'ming dalawa ang lahat. Napansin ko din na may kasamang babae ang mga kapatid niya.

Girlfriend siguro nila ang mga ito.

Napasinghap ako ng makita ang isang babae. Oh, ghod! Isa siya sa sikat na actress at modelo. Oh my ghod!

"She's my girlfriend, Solana." pakilala ni Yiem.

Girlfriend siya ni Yiem? Ni hindi ko alam na may kasintahan siya kasi mukha siyang playboy at hindi marunong magseryoso! Tapos isang sikat pa ang nabihag niya?

"Hi!"

Nahihiya akong ngumiti. Ang ganda ganda niya at ang expensive sa suot nitong tube dress tapos curly pa ang buhok niya.

"S-sikat ka..." natawa ito ng mahina.

"Your girlfriend is so shy, Yleo. Masyadong mahiyain but I like her." napalingon ako kay Yleo.

May malawak itong ngiti sa labi. "My baby is so pretty, Jennica. So damn pretty."

Namula ako. Lumingon siya sa'kin na may ngiti pa din. Kasama ni Yasser si Yannie. Ang cute nilang tingnan kasi nag-aasaran silang dalawa. Tumatawa naman ng mahina sina Yiem at girlfriend nitong si Jennica... pero may kakaiba akong napansin kay Jennica, parang hindi siya mapakali. Tumingin naman ako sa parents nila. Napangiti ako dahil para silang binata at dalaga kung magsubuan. Tumingin ako kay Yielo. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang mga magulang at kapatid na kasama ang mga taong minamahal.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon