Chapter 44

39K 471 15
                                    


"Saan kayo galing kanina?" tanong ni Jennica habang ang mga paningin ay nasa bandang leeg ko.

She smirked. Mukhang alam niya na agad kung anong nangyari sa amin.

"Kaya naman pala gustong lumayo kayo. Kinain ka?"

I blushed. Napaka walanghiya talaga ng bibig niya. Hindi man lang marunong magdahan-dahan sa pagsasalita.

"Saang place kayo?"

"Jennica..." nahihiyang ani ko.

Tumawa siya. "Damot! Nagtatanong lang naman ako,"

I sighed. "Sa pool area..."

Ngumisi na naman siya at pinasadahan ako ng tingin na animo'y may chinecheck.

"Nakalakad ka naman?"

"Jennica..." pakiramdam ko ay mukha na akong kamatis sa sobrang pula ng aking mga pisnge.

"Haynako, Solana. Kasal na kayo't lahat lahat nahihiya ka pa din. Dapat masanay ka na. Paano kapag nag-uusap tayo about sa sex? Mahihiya ka na lang palagi?" sabay irap nito.

Hindi lang naman ako sanay na pag-usapan ang mga ganoong bagay lalo na at naranasan ko na. Mahihiya talaga ako kapag gano'n ang usapan. Porket sanay na siya, ay!

"Pretty!" umagaw ng atensyon ko ang boses na 'yun.

Nagpumiglas itong bumaba kay Yielo na natatawa na lang. Patakbo itong tumakbo sa akin na agad ko namang sinalubong ng yakap.

"Kiss! Kiss! Pretty, kiss!" sigaw niya at pinaghahalikan ako sa pisnge.

Hindi ko maiwasan na matawa at halikan din siya pabalik para manlaki ang kanyang mga mata.

"Kiss, pretty!" sabay nguso niya kaya hinalikan ko ang labi niya.

Agad siyang yumakap sa leeg ko.

"Mukhang magseselos pa lalo si Yleo diyan sa batang 'yan." natawa na lang ako ng mahina.

Pati kasi sarili niyang pamangkin pinagseselosan niya.

"Okay lang sa'yo kung sa'yo muna siya, Solana?" tumango ako.

"Ayos lang. Kailangan ko lang i-breast feed mamaya si Fairah pero kaya ko naman alagaan si Dravis." she smiled at me sweetly.

"Thank you. Kanina pa kasi 'yan nagsisisigaw ng pretty. Ikaw lang naman ang tinatawag niyang gano'n."

Nilingon ko si Dravis na nakasiksik lang sa leeg ko. Pumasok si Yleo na kunot ang noo. Ng makita niya si Dravis ay napairap na lang ito at inis na ginulo ang buhok.

"Goodluck, bro. Mukhang aagawin pa ng anak namin si Solana sa'yo." tinapik lang siya ni Yielo sa balikat at tawa-tawa silang umalis ni Celesta.

"Uuna na din ako." tumango lang ako.

"Bakit na sa'yo na naman ang batang 'yan? Namumuro na 'yan."

"Yleo, ang bibig mo." he rolled his eyes.

Mukhang naiinis na naman ito.

"Nakakainis. Imbes na masolo kita ay may epal." bulong-bulungan niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang ako papunta sa silid ni Fairah. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.

"Kung hindi lang siguro ako nakunan noon, Hon. Sana may babaeng anak tayo."

Natigilan ako. Rinig ko ang pagsinghot Mommy ni Fely na halatang umiiyak.

Nakunan siya?

"Hon..."

"Kung sana nag-ingat lang ako at hindi nagpadalos-dalos sa mga kilos ko... S-sana... sana buhay ang anak natin..."

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon