"Ilapag mo na 'yung banig, Jennica." mahinhing utos ni Celesta.Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang tinutulungan si Jennica na ilapag ang banig. Nang maayos namin ang malaking banig ay iniyos na din namin ang mga pagkain at ang mga maliliit na basket na mga dala namin. Pinalibutan din namin ng mga bulaklak ang mga banig na hindi ko alam kung saan pinitas ni Yielo.
"Ang tagal naman ng mga 'yun." Natawa ako sa reklamo ni Jennica.
Nasa loob pa din kami ng Hacienda Escudero at balak namin itong libutin ngayon. Sabi ni Celesta ay malawak daw ito at madaming mga pasyalan. Nalaman ko din sa kanya na ito ang pinakasikat na dinadayuhan ng mga taga malayo.
Halatang malawak nga ito dahil sa puwesto namin ay napakalaki. Malinis at pino ang damo. Maging ang kalsada ay malinis. Tanaw na tanaw dito ang sunset mamaya.... dito din kami kinasal ni Yleo.
Hindi man beach wedding pero masaya na ako ng sobra dahil ang sunset ang saksi sa kasal naming dalawa.
"Malawak ang Hacienda Escudero, bali Villa Escudero na ang tawag kapag nasa loob ka na. Pinasarado mo na namin ito Yielo dahil pinakiusapan ni Yleo." Umiling ito.
Bahagya naman akong namula.
"Baliw na baliw si Yleo sa'yo. Handang gawin ang lahat mapasaya ka lang," I smiled at her.
"Suwerte ka din kay Yiem, tas suwerte ka din kay Yielo." Nilingon ko si Celesta.
Marahan itong umupo habang nakangiti. "Iba magmahal ang mga Sollano. Handang gawin ang lahat mapasaya lang ang babaeng mahal nila. Kahit na saktan mo sila ng ilang beses... babalik at babalik sila sa'yo,"
I smiled. Alam ko na ang bagay na 'yun at nakikita ko naman 'yun sa apat. Kung paano nila kami tingnan ay parang kami lang ang babaeng pinakamaganda sa mga paningin nila.
"Pinalaki sila ng maayos nina Mommy Fely at Daddy Yieler... at masasabi kong the best parents sila dahil pinaramdam nila sa akin 'yun..." she smiled.
"Maging sa akin. Tinanggap nila ako kahit na may hindi magandang nangyari. Sa kanila ko naramdaman na may pamilya ako." Ngumiti ng malapad si Jennica.
Napangiti ako habang nakikinig sa mga sinasabi nila. Ang ngiti nila ay ganyan din sa akin dahil pinaramdam din nila na may pamilya ako. Minahal nila ako ng sobra at tinanggap sa pamilya nila.
"And they're wild... sa kama." Napatawa kaming tatlo at napailing.
"Nung first time namin ni Yiem. Halos tatlong araw akong hindi makalakad ng maayos. One night stand pa 'yun huh." she chuckled.
"Well, same with Yielo..."
I blushed. "Same with Yleo..." nahihiyang bulong ko.
Nagtawanan lang kami. Kung ano-ano pa ang pinag-usapan namin. Nalaman kong highschool pa lang ay magkakilala na sina Celesta at Yielo kaso ay matagal niya itong sinagot.
Hindi tanggap ng parents niya si Yielo dahil akala ng mga ito mahirap ito. Madami pa siyang binahagi sa kanila ni Yielo. Habang kinukuwento niya 'yun ay nakangiti.
"May aaminin ako..." saad bigla ni Jennica.
"Share," si Celesta.
Napalunok si Jennica at napahinga.
"May anak kami ni Yiem..." she whispered.
Natigilan kami pareho ni Celesta at nagkatinginan. Parehas gulat.
May anak sila?
"Triplets... tinago ko sa kanya. Limang taon,"
Parehas kaming napalingon sa kanya ni Celesta at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
The Paths Connected (Sollano Brothers #2)
Storie d'amoreSolana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected happened her mother passes away. Before it disappeared from the world, it bequeathed its maiden daughter to the young man's family and they assigned it to Yleo to find her. Whe...