Chapter 36

46.1K 562 117
                                    


Habang nakatitig sila sa'kin ay narinig ko na naman ang boses ni Aling Aurina.

"Elya, may naghahanap na naman sa'yo, Iha. Iiwan ko na dito sa labas ang bisita mo."

Umalis si Yielo at binuksan ang pinto. Pinunasan ko naman ang mga mata ko at kinarga si Fairah na bigla na lang umiyak. My eyes got teary, handa na naman umiyak ng mahawakan ko ang anak ko.

"Kuya!" gulat na saad ni Yiem.

Napalingon ako sa likod. My lips parted when I saw him. Namungay ang mga mata niya ng tumingin siya anak namin.

Marahan siyang lumapit sa'kin. Nakatitig lang siya kay Fairah. May kung anong kakaibang emosyon sa kanyang mga mata.

A-anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?

"Yleo..." nanginig ang boses ko.

He glanced at me. Hinalikan niya ang noo ng anak namin para maramdaman ko ang kakaibang haplos sa'king dibdib.

"Babawiin ko na kayo..." paos niyang ani.

"Ano ginagawa mo dito, kuya?" tanont ni Yiem. Hindi siya nilingon ni Yleo. Nanatili ang titig niya sa anak namin na animo'y pinagmamasdan ng mabuti.

Hindi tumigil ang pagbuhos ng mga luha ko. May kung anong saya ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan siya.

Nagtataka man ako ay pinagsawalang bahala ko muna. Masaya akong andito siya kahit hindi ko alam kung paano niya nalaman.

"C-can I carry her?" he asked.

Tumango ako. Maingat niya itong kinuha sa'kin. Napatakip ako ng bibig ng lumuha siya ng mabuhat ang anak namin.

"Hinintay ko 'to... My baby..." he kissed our daughter forehead again.

Ang sarap pagmasdan ng mag-ama ko...

I sobbed. Tumingin siya sa'kin at lumapit. He kissed my forehead.

"You're the best Mom..." he whispered.

Mas lumakas ang hikbi ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Walang paglagyan ang saya ko.

"S-sorry..." tanging nasabi ko.

Tumingin siya sa'kin. "Don't say that, baby... Thank you for making me happy..."

"S-sorry... Hindi ko sinabi sa'yo..." mahinang ani ko.

"Matagal ko ng alam, baby... Binantayan kita... Kahit na itinaboy mo ako ay nanatili ako..." he whispered.

Tumingin ako sa kanya na puno ng mga luha ang mga mata. All this time ay binantayan niya ako. Binantayan niya kami.

Pero bakit hindi siya lumapit sa akin kung gano'n? Kung alam niyang dinadala ko ang anak namin... bakit hindi niya ako nilapitan?

"Tangina, sasabihin pa lang namin pero alam na agad. Wow!" hindi namin pinansin si Yiem.

"Go home, brothers. Ako ng bahala sa mag-ina ko," aniya dito.

"Aba. Magpasalamat-"

Yleo cutted him. "Inunahan n'yo lang ako. Umalis na kayo."

Nagreklamo pa si Yiem. Wala naman imik si Yielo. Nakatingin siya sa'kin. Ngumiti ito. Ngumiti din ako sa kanya.

May kasalanan pa ako sa kanya. Kailangan ko ding magsorry sa kanya dahil idinamay ko siya.

Ng umalis ang mga ito ay tumingin ako kay Yleo. Nakatingin lang siya sa anak naming buhat niya at inaalo. May kung anong humaplos sa puso ko ng makita ang ginagawa niya.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon