"Hoy, gaga! Kumusta ka diyan?!" nailayo ko ang cellphone ko.Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sigaw ni Eunice.
"H'wag ka nga sumigaw." saway ko.
"Sorry naman. Miss na kita, uy! Magkuwento ka... oh..."
Napakunot ang noo ko dahil parang may kakaiba sa boses niya. Parang may kakaiba din akong narinig sa background. Parang langitngit ng kung ano.
"Eunice?"
"Uhmmm... yes?" hingal niyang tanong.
"Okay ka lang? Bakit parang bigla kang hinihingal?" rinig ko ang malalim niyang paghinga.
"Oh... mamaya na lang-ah... Tatawag-oh! Shit! Bagalan mo muna- oh!" agad kong napatay ang cellphone ko.
Namumula ako. Alam ko na agad ang ginagawa nila... pero sino naman ang kasama niya? Wala naman akong kilala na boyfriend niya. Napahinga ako, hindi pala kami ganoong kaclose dahil nito lang ako nakikipag-usap sa kanya.
Nakita ko na agad sila na nagpipicture. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil ang sweet nila tingnan. Pinagmasdan ko muna sila bago umakyat sa taas.
May pool sa taas ng tinutuluyan namin kaya dumiretsyo ako do'n. Mas tanaw na tanaw na dito ang buong dagat. Mas kita ko sila dito sa taas.
Naramdaman kong may tumabi sa'kin kaya napalingon ako sa kanya. Nakasuot siya ng two piece at nakaroba. Nakabalandara ang pulang two piece nito at bagay na bagay sa hubog ng kanyang katawan. May kurba ang katawan niya.
"I know that I'm sexy, Solana. H'wag mo naman akong tingnan ng ganyan." she chuckled.
Imbes na matuwa ako ay parang nakaramdam akong inis.
"Do you want?" umiling ako ng inabot niya sa'kin ang lemon juice.
"Salamat na lang po..."
Parehas kaming tumingin sa dagat.
"Gaano na kayo katagal ni, Yleo?" biglang tanong niya.
Natigilan ako bigla bago sumagot.
"Nitong nakaraang araw lang naging kami..."
Gulat siyang tumingin sa'kin. "Oh, really? Akala ko pa naman matagal na kayo."
Wala akong naisagot. Pakiramdam ko ay parang gusto kong umalis sa harapan niya pero nakakabastos naman. She's still one of my subject teacher. Kahit wala kami sa school ay kailangan ko pa din siyang igalang.
"Naikuwento ba sa'yo ni Yleo ang tungkol sa aming dalawa dati?" she asked.
Para akong nanlamig. Hindi ko din nagustuhan ang paraan ng pagkakatanong niya, maging ang kanyang boses.
At ano naman ang dapat ikuwento sa'kin ni Yleo about sa kanila? Kung may anong namumuo sa utak ko na hindi ko maintindihan. Ayokong magconlude agad.
Tumawa ito. "Oh, mukhang hindi pa yata niya naikuwento o nasabi man lang."
Tahimik lang ako. Hindi ko din naman alam ang sasabihin sa kanya.
"Nahihirapan pa din siguro siya... kasi kung wala na ay kaya niya ng sabihin sa'yo." she said again.
Napatingin na lang ulit ako kina Jennica na masayang nagtatawanan. Pigil ko ang hininga ko sa mga naririnig.
"Yleo and I are lovers before..." panimula niya. Nahigit ko ang hininga ko.
Mas lalo akong hindi na nakapagsalita. Inaasahan ko nang ito nga 'yun.
"Nakipaghiwalay ako sa kanya kasi kailangan kong umalis ng bansa... but we promise to each other na babalik kami kapag umuwi na'ko dito..." she trailed off.
BINABASA MO ANG
The Paths Connected (Sollano Brothers #2)
RomanceSolana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected happened her mother passes away. Before it disappeared from the world, it bequeathed its maiden daughter to the young man's family and they assigned it to Yleo to find her. Whe...