Chapter 34

38.6K 447 38
                                    


"Ah!" malakas na sigaw ko.

Halos umiyak na ako sa sakit. Nanghihina ang katawan ko pero kailangan ko munang ilabas ang baby ko.

"Isa pa, Elya! Malapit na ang anak mo!" sigaw ni tiya.

Hindi na kaya kung pupunta pa kami sa hospital kasi masyadong malayo 'yun dito sa bahay kaya dito na ako dinatnan ng panganganak. Maalam naman si tiya. May tiwala naman ako sa kanya.

"Ah! Baby, labas ka na!" sigaw ko pa.

Ilang ire ang ang ginawa ko bago tuluyang marinig ang iyak ng anak ko para mas lalo akong mapaiyak.

Hindi sa sakit kundi sa sayang nararamdaman.

"Babae ang anak mo," saad ni tiya.

Pinilit kong tumingin sa anak ko. Buhat siya ni tiya. Napahikbi ako at halos nakalimutan ang sakit na nararamdaman.

Babae nga ang anak ko, ang anak namin ni Yleo. Tama nga si Fairah.

Kahit na nanghihina at gustong ipikit ang mga mata ay hindi ko ginawa. Pinilit kong maging gising. Nilinisan ni tiya ang anak ko at binalutan niya ito.

Ng mahawakan ko siya ay humikbi ang iyak ko at mas bumuhos ang mga luha ko sa sobrang kasiyahan na nararamdaman.

Isang Ina na talaga ako. Isang Nanay na talaga ako. May anak na talaga ako. Babae ang anak ko, babae ang anak namin. Ansaya saya ko. Sobrang saya-saya ko.

"Welcome to my world, baby Fairah..." hinalikan ko ito sa noo.

Bigla naman siyang huminto sa pag-iyak kaya napangiti ako. Kuhang-kuha niya agad ang mukha ni Yleo. Kamukha niya agad ito kahit na hindi pa masyadong malinaw.

Nakuha niya ang gestures ng Papa niya.

"Breast muna siya, Elya," mariing saad ni tiya.

Tumingin ako sa kanya at maliit na ngumiti. "Maraming salamat po, tiya..."

Umalis lang ito. Ramdam kong tanggap niya ang anak ko. Hindi niya ako aasikasuhin ng ganito kung wala siyang pakialam sa baby ko. Kahit hindi niya sabihin ay masaya na ako kasi ramdam ko.

Nahihirapan akong kumilos pero kailangan kong kayanin dahil ako lang ang mag-aasikaso kay Fairah. Sinunod ko ang mga sinabi ni tiya.

"Dagdag palamunin na naman," rinig kong saad ni Jude.

Hindi na lang ako umimik. Hinayaan na lang siya. Ika-ika akong naglakad papasok sa kuwarto ko. Marahan at maingat kong inilapag si Fairah sa kama. Hindi ako nakabili ng crib niya kasi pinagkakasya ko lang ang naitabi kong pera... pero may mga ilang gamit naman akong nabili para sa kanya.

Napangiwi ako sa sakit. Sobrang hapdi ng ibaba ko at masakit maglakad kaya umupo na lang ako.

Marahan akong nilapitan ang anak kong mahimbing na natutulog. Hinalikan ko ito sa noo at hinawakan ang kanyang maliit na kamay.

"Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ka ni Mama. Gagawin ni Mama ang lahat anak ko. Hindi ko ipaparamdam sa'yo na may kulang. Ibibigay ko lahat ng pagmamahal ko sa'yo..."

Alam kong hindi magiging madali sa akin ito lalo na at mag-isa lang akong mag-aalaga at mag-aasikaso sa kanya.

Wala akong balak lumapit kay Yleo. Wala akong balak puntahan siya lalo at hindi niya naman ako binalikan. Pinili niya talaga ang girlfriend niya, syempre girlfriend niya 'yun, e. 'Yun ang tunay kaya bakit pa ako umasa na babalikan niya.

Nasaktan ko din siya kaya posibleng bumalik na 'yun sa akin.

Hindi pumasok sa isip ko na puntahan siya... pero hindi ko naman ipagkakait sa kanya ang anak namin. Ipapakilala ko pa din naman siya sa anak namin... ipapakilala ko ang anak namin sa kanya pero hindi pa sa ngayon.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon