Chapter 11

49.3K 595 29
                                    


Nagpaalam ako sa kanila na susundan ko muna si Yleo dahil halatang nagtatampo ito.

Napakagat ako ng labi at napahawak sa laylayan ng damit ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto namin.

Kuwarto namin.

Hindi ko talaga lubos maisip na matutulog ako sa isang kama na katabi ang isang lalaki.

Wala siya sa loob pero rinig ko ang lagaslas ng tubig. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo. Ng nasa tapat na'ko ay napalunok ako.

Nagdadalawang isip kung papasok ba ako o hihintayin na lang siyang matapos.

Napapikit ako at hinawakan ang door knob. Bukas ito. Hindi niya sinarado.

Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang pinto. Nakita ko na agad siya sa shower. Nakatalikod siya.

Tumutulo ang tubig sa katawan niya. Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa bandang puwet niya.

Ghod. Mabuti na lang at nakashort ito. Hindi pa'ko handa na makita ang kanyang baby.

Nilock ko ang pinto bago dahan-dahan na naglakad palapit sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko.

"Yleo..." tawag ko.

Napalingon naman aga siya. Kumunot ang noo. "Anong ginagawa mo dito? Naliligo ako."

Napakagat ako ng labi bago ipilig ang ulo ko. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay hinayaan kong mabasa ako.

Tumingala ako sa kanya. Malamlam lang ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga mata ko.

"G-galit ka?" I asked.

Umiling ito. "Go outside. Nababasa ka na." aniya.

Napapikit ako at lumapit sa shower. Hinayaan kong mabasa ako lalo. Napatitig siya sa'kin. Nakita ko ang paglunok niya.

I know how to seduce... pero iba kay Yleo.

"Sabay na tayong maligo." I whispered.

Tumalikod ako sa kanya at dahan-dahan na tinaas ang suot kong shirt. Napapikit pa'ko at kinalma ang sarili.

Nang tuluyan kong mahubad ang damit ko ay hinawi ko ang buhok ko pataas.

Bakit ayaw tumalab sa kanya?

Talagang nagtatampo ito. Oh, baka kailangan ko pang akitin ng kaunti para lumapit sa'kin?

Ang hirap naman manuyo. Pabebe na talaga ang mga lalaki ngayon kaysa sa mga babae.

Dinaig pa magtampo, e!

Hinaplos ko ang likod ko bago dahan-dahan na inabot ang lock ng bra ko... ng maramdaman ko siya sa likod ko.

"Stop seducing me..." hirap nitong saad.

Lalapit din pala! Andami pang arte.

"I'm not seducing you..." tanggi ko.

Malalim ang hininga nito sa leeg ko...at dahil do'n ay alam kong hirap ito. Nakapulopot ang kamay niya sa'kin. Hinahaplos niya din ang tiyan ko.

Humarap ako sa kanya at ikinawit ko ang braso ko sa kanyang leeg.

"Hindi mo pa'ko totoong kilala, Yleo. Iba ang tunay kong ugali at pagkatao."

Hinahayaan ko na lang na apihin, saktan, maliitin at husgahan nila ako...pero hindi ko naman hahayaan na hahayaan na lang sila ng hahayaan.

Hindi ko sinasabing matapang ako. Hindi din mahina. May tinatago lang akong ibang ugali na si Yleo lang ang nagpapalabas ng ugali kong 'yun.

"I know, baby... because you're such a tease..." he whispered.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon