Masaya ang buong lamesa. Kuwentuhan at tawanan ang namayani. Nakakapagtaka lang na wala si Yleo. Hindi naman ako nagtanong kung nasaan ito.Hindi pa din ako kampante hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag niya.
"Mabuti at nahanap mo na siya, Yielo," ani ni Jennica.
"Hindi ako tumigil, Jen," sagot nito.
"Mabuti na at nahanap mo kundi hindi mo malalaman na may mga anak pala kayo,"
Natigilan ako. Napatingin ako kay Celesta na halata sa mukha ang hiya.
May anak sila? Ibig sabihin ay nabuntis niya si Celesta at itinago nito ang mga anak nila sa kanya?
Gusto ko man magtanong ay pinigilan ko ang sarili ko.
"Hindi ko na hahayaan ulit," mariing aniya.
Pagkatapos naming kumain ay nag-aya silang pumunta kami mag-gala kami. Sumama naman ako. May nag-aalaga naman kay Fairah. Nung una ay ayaw ko pa, pero mapagkakatiwalaan naman daw ito kaya nakampante ako.
Mukha din naman mapagkakatiwalaan ito. Imposible din na may gawin siyang masama sa anak ko.
"Kanina ka pa tahimik," ngusong saad ni Yannie ng tabihan niya ako.
"Wala lang akong gana at wala sa mood," tumango ito.
"Nag-away ba kayo?" umiling ako.
"Misunderstanding lang..." sagot ko.
She just nodded. Natigilan ako ng makita si Yleo. Napansin ko din ang mga iba't-ibang kulay ng petals sa lapag. May lamesa naman sa kinatatayuan niya.
Nakangiti siya sa akin habang may hawak na bulaklak. Kita ko pa din ang kaba sa kanyang mga mata.
Ano namang pakulo ito?
"Be happy Ate Solana," bulong niya.
Nasa gilid ang mga magulang niya at mga kapatid. Kasama ng mga ito ang mga babaeng mahal nila. Nakatingin silang lahat sa akin. Halos hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit... pero sa huli ay naglakad ako palapit sa kanya.
Inabot niya sa'kin ang bouquet.
"Thanks..." maikling saad ko.
He sighed. "G-galit ka ba sa'kin?"
Galit? Hindi ko nararamdaman 'yun. Ang nararamdaman ko ay tampo. Wala pa ako sa pakiramdam na 'yun dahil hinihintay ko siyang magpaliwanag.
"Just explain," matipid kong ani.
Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala 'yun sa labi niya.
"M-may mga inayos lang ako, baby... May pinagplanuhan ako... pero hindi ko pa siya puwedeng sabihin..." panimula niya.
Ramdam ko sa boses niya ang kaba at takot. Nakinig naman ako sa kanya.
"'Yung hindi ko pagpansin sa'yo ng ilang linggo at naging malamig ako... ay... ay plano nina Kuya Yiem 'yun..."
Napataas ako ng kilay. Para saan naman?
"Baby, don't look at me like that..." natatakot nitong ani.
"Ituloy mo," utos ko.
Nakita kong nanginginig ang mga kamay niya kaya natawa ako sa isipan ko. Mukhang takot na takot ito.
"Kasi may surpresa ako, may mga inayos po ako... Wala po akong baba-"
I cutted him. "Ano 'yung polo mo kung gano'n?"
H'wag niyang sabihin na lalaki na naglipstick ang humalik doon.
BINABASA MO ANG
The Paths Connected (Sollano Brothers #2)
RomanceSolana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected happened her mother passes away. Before it disappeared from the world, it bequeathed its maiden daughter to the young man's family and they assigned it to Yleo to find her. Whe...