Chapter 38

43.5K 529 27
                                    


"Yleo, kailangan mong magtrabaho... Kailangan ka na sa kompanya ninyo..." mahinang ani ko. Sumimangot lang ito at siniksik ang sarili sa'kin.

"I don't want...."

I sighed. Tumayo ako. Tiningnan siyang nakasimangot na.

"Yleo, h'wag ng makulit," ani ko.

Ngumuso ito at tamad na bumangon. Agad siyang yumakap sa'kin. 'Yung yakap niya ay parang nang-gigil.

"Ayoko. Dito lang ako," ungot niya.

"H'wag na makulit, Yleo,"

"Baka kasi pag-umuwi ako wala na kayo dito..." mahinang ani niya, ramdam ko ang takot sa boses niya.

I cupped his face. 'Yung mga mata niya ay parang iiyak na. I chuckled when I saw his eyes.

Iyakan naman pala ng Yleo ko.

"H-hindi namin iiwan... Nandito lang kami, okay?" then I kissed his lips.

Siniil niya ako ng halik bago pumunta sa banyo kaya natawa ako.  Nilapitan ko muna si Fairah at hinalikan sa noo bago ipaghanda ng susuotin si Yleo. Napangiti na lang ako habang hinahanda ang mga susuotin niya.

Bumaba ako para maghanda ng makakain para kumain muna siya bago umalis. Nakangiti ako habang nagluluto. Parang mag-asawa na kami... kasal na lang ang kulang.

Hinanda ko sa lamesa ang mga pagkain, tinakpan muna bago umakyat sa taas. Napangiti ako ng makitang bihis na ito at inaayos ang kanyang relo.

Nag-angat siya ng tingin sa'kin. He smiled kaya lumapit ako sa kanya. He kissed my forehead. Bumaba ang tingin ko sa next tie niyang hindi maayos kaya inayos ko'yun.

"Yleo!" saway ko ng nakawan niya ako ng halik sa labi.

He chuckled. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa neck tie niya pero nagtagal 'yun dahil ang kulit niya!

Ilang beses ba naman akong hinalikan sa labi. Iniirapan ko na lang siya.

"Thank you, Misis," he whispered and kissed my forehead.

Pinuntahan niya si Fairah. Bahagya siyang yumuko para halikan ang noo ng anak namin.

"Aalis muna si Daddy, baby... Uuwi din agad pagkatapos. Be a good girl to your, Mom, okay?" Napangiti ako.

Hinalikan niyang muli ang noo ng anak namin. Magkahawak kamay kaming bumaba at pumunta sa may lamesa. Masaya kaming kumain.

Nasa mga hita niya ako habang sinusubuan siya. Nagpapababy hindi naman baby.

"Ang kulit," tumawa naman ito at hinalikan ako sa labi kaya napalayo ako sa kanya.

"Nakakatamad ng pumunta sa trabaho," sinamaan ko siya ng tingin

"Oh, my baby," he pinched my nose.

Sinimangutan ko siya. Hinalikan niya ang labi ko. Kung hindi ko pa siya pagagalitan ay ayaw niya pang tumayo. Nag-eenjoy siya masyadong binababy ko. Nag-eenjoy din naman akong asikasuhin siya dahil pagkatapos ay anak naman namin.

Inayos ko muna ang neck tie niya at hinalikan siya sa pisnge.

"Umuwi ka agad," he chuckled.

He lifted my chin and kissed me. I kissed him back.

"Uuwi ako agad,"

"Dapat lang," he smirked.

"Ansarap umuwi kung kayo ang uuwian ko. Mamadaliin ko ang trabaho ko," ako naman ang natawa.

"Basta maghihintay kami sa'yo ni Fairah," saad ko.

"Basta andito kayo pag-uwi ko. Baka kung anong gawin ko sa sarili ko kapag hindi ko kayo naabutan dito," I laughed. Sumimangot siya.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon