Napapikit ako. Gustong-gusto kuhanin ang dress na nasa sahig.
Nakatitig kami sa isa't-isa. Mariin ang titig niya habang ako ay nilalabanan 'yun.
Namumula. Nahihiya. Kinakabahan.
Napapikit siya at tumingala. Kinagat niya ang labi niya at mabilis na hinawakan ang panga ko para halikan.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi agad nakareact. Sinisiil niya ang labi ko ng halik. Hindi ako tumugon pero patuloy lang siya.
Namumungay ang mga mata niya ng tingnan niya ako at hinalikan sa noo bago tumalikod.
"Baby...dressed up..." namamaos na saad niya.
Nanatili akong naestatwa at nakatingin lang sa likod niya. Nakatingala siya...parang pinapakalma ang sarili.
"Baby, please..." he pleaded.
Napakagat ako ng labi at nanginginig na kinuha ang dress sa sahig at agad na sinuot 'yun.
"P-puwedeng...ah...p-patali?" mahinang aniya ko.
"Fuck this." mura niya.
Mabilis siyang humarap sa'kin at pinatalikod ako. Ramdam ko ang kamay niya...ang init.
Kagat ko ang aking labi at pinapakiramdaman ang marahan n'yang pagtali sa may bandang batok ko.
Dumiin ang kagat ko ng lumandas ang palad niya sa likod ko at ang hininga niya sa batok ko.
"You...are...such...a...tease..." putol-putol na aniya niya.
"Thank you po..." tumango lang siya.
Namumungay pa din ang mga mata niya ng humarap ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.
"Sasayawan ko pa po kayo..." mahinang aniya ko.
Tumango siya at preteng umupo sa couch. Namumungay ang mga mata habang pinagmamasdan akong sumayaw.
Natapos ang gabing 'yun na ang tanging nararamdaman ko ay saya.
Hindi ko maipaliwanag... pero may kakaiba akong nararamdaman sa lalaking 'yun.
Yleo Lexus Mat Sollano.
"Kilala mo si Yleo?!" napatalon ako sa pagkakaupo ng sumigaw ang kaklase kong si Eunice.
Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Napatingin ako sa papel ko. Gano'n na lang ang pag-awang ng aking labi ng makita ang pangalan niya do'n.
"Hala..."
"Hala?! Gulat ka, teh?! Limang beses mo lang naman sinulat ang pangalan ni Yleo sa papel mo!" sinuway ko siyang h'wag sumigaw.
Napapatingin na kasi sa'min ang iba naming mga kaklase.
"Umamin ka nga sa'kin...anong meron sainyo?" nanliit ang mga mata niya.
"Wala...customer lang sa bar..." mahinang sagot ko para mas lumiit ang mga mata niya.
"Lang? Hindi mo ba kilala 'yang si Yleo, teh? Ghod! Ang suwerte mo huhu!" para siyang maiiyak.
"Kilalal mo siya?"
"Sinong hindi makakakila diyan. E, sikat 'yan dito sa university natin!" sagot niya.
Hindi ko naman alam. Atsaka paano siya naging sikat dito? Hindi naman siya nag-aaral dito.
"Teh, kung hindi mo na itatanong. Nagturo na 'yan dito." pagdadaldal niya.
"Nagturo?"
Napahawak siya sa noo niya. "Ghod...halatang wala ka ngang interes sa mga lalaki!"
Napanguso ako. Ang lakas ng boses niya. Magkaharap lang naman kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Paths Connected (Sollano Brothers #2)
RomansSolana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected happened her mother passes away. Before it disappeared from the world, it bequeathed its maiden daughter to the young man's family and they assigned it to Yleo to find her. Whe...