Chapter 22

41K 495 14
                                    


Nahihiya ako dahil sa pagbabalita ni Yleo sa mga magulang at kapatid niya na girlfriend niya na ako.

"Tangina! Ansaya saya ko, Mommy! Sinagot ako ng babaeng mahal ko!" sigaw niya. Sumuntok pa siya sa hangin.

Natawa ang mga ito sa kanya.

"Yleo... nakakahiya."

"No, baby." he cupped my face.

"Nakakahiya na sa mga magulang mo..."

"Ansarap mong ipagmalaki." magaang ani niya at hinalikan ako sa harapan nilang lahat. I blushed.

Hindi ako makatingin ng diretsyo sa mga magulang nitong ramdam ko ang saya para sa'min ni Yleo. Ramdam ko agad ang suporta nila sa'min.

"Puwede mo na ibahay. May karapatan ka na talaga." tawa-tawang saad ni Yiem.

Mas lalo silang nagtawanan dahil sa sinabi nito.

"Girlfriend na talaga kita. Shit. I'm not dreaming. Shit talag-" hinampas ko ang bibig niya.

"Kanina ka pa." he pouted.

"I'm just happy, baby... Magpapasalamat talaga ako sa kanya mamaya..." he said and kissed my lips.

Napahawak ako sa balikat niya. Halos hindi ko masabayan ang halik niya! Masyado na naman siyang gigil.

"Sorry, gigil lang."

Pareho kaming natawa. Nang gumabi ay lumabas ulit kami. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa gilid ng dagat.

Napansin ko din na hindi nawala ang ngiti nito sa labi niya. Hindi ko alam kung nasaang parte na kami. Ang alam ko lang ay malayo na kami. Wala ng halos tao sa pinaghintuan namin. Kami na nga lang ata ang tao.

"Nasabi mo ko na ba kung gaano ako kasaya?" he chuckled.

Napangiti lang ako. Parehas kaming umupo sa may buhangin. Humilig ako sa balikat niya. Inilagay niya naman ang braso niya sa baywang ko. He kissed the top of my head.

Niyakap ko din ang baywang niya. Magkayakap kaming dalawa habang pinagmamasdan ang magandang buwan.

"Ako na ang sobrang sayang lalaki sa buong mundo..." he whispered.

Ngumiti ako bago ipinikit ang mga mata. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon na walang imikan. Pinapakiramdaman ang isa't-isa.

"I have to tell you something, baby..."

"Hmm?"

"I know your mother..." agad akong nagmulat ng mga mata.

Umalis ako sa pagkakahilig sa balikat niya at tiningnan siya na madaming katanungan.

Kilala niya ang Mama ko?

"Solana Eleanor Salazar ang pangalan niya." panimula niya.

Kagayang-kagaya niya ang pangalan ko. I wonder kung bakit 'yun ang pinangalan niya sa'kin? Same with her name?

"Kasambahay siya ng mga magulang ko. Pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko. Naging pangalawang Ina na siya sa'ming magkakapatid..."

Nakaramdam ako ng kirot. Nagawa niyang magpaka-ina sa iba pero sa sariling anak ay hindi niya nagawa.

"Isang gabi... umuwi siya sa amin. Nanghihina at may mga dugo." nilingon niya ako.

Maliit akong ngumiti. Sa pamamagitan no'n ay pinapahiwatig na ituloy niya ang pagku-kuwento niya.

"Nagulat kami ng sabihin niyang nanganak siya dahil ilang buwan siyang hindi umuwi sa'min. Akala namin ay umuwi lang siya sa probinsya n'yo..."

"What happened to after that?"

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon