Binibini!!!!!
Naku, kaawa awa naman si Binibining kristal, kailangan kong makahanap nang makakatulong sa akin sa pagdala kay Binibining kristal sa kanilang mansyon...
Tamang tama may nakita akong kalesa na patungo sa kinaroroonan namin...
"Tulong"
Mang kanor? Ano ho ba ang nangyari?( tanong nang isang ginoo na sakay nang kalesa)
Magandang hapon po senyor Sofronito, paumanhin po sa aking kapahangasan na pahintuin ang inyong sinasakyan, nais ko lamang po na humingi nang tulong para maihatid ang Binibini sa kanilang Mansyon.. kong inyo po sanang mamarapatin? Maaari po ba senyor na kami ay inyong tulungan?(Magalang na pakiusap ni mang kanor.)
"Bahagya pang natulala ang ginoo sa kaniyang nakita, nang masilayan niya ang maamong mukha ng dalaga"
Oo naman ho mang kanor, Esteban, iyo ngang tulungan si mang kanor na maisakay sa ating sasakyan si Binibining??
Kristal po Senyor Binibining kristal hermosa , iyon po ang pangalan ng Binibini..
"Napaka gandang pangalan sa isang napaka gandang dilag"
Sige na Esteban pasuyong pakibilisan, nang maiuwi natin si Binibining kristal sa kanilang Mansyon, at siguradong nag aalala na sa ngayon ang mga magulang niya ..
------
Habang patungo sa Mansyon ng Hermosa, sina Ginoong Sofronito ay hindi nito mapigilang tumitig sa mukha ng dalaga, na para bang mababaliw ito kong mawala saglit sa kaniyang paningin...(ehem mukhang mayroon nang nahumaling na isa...)
Mang kanor malapit na ho ba tayo sa mansyon ng mga Hermosa?
Malapit na po Senyor, inyo po bang nakikita ang malahardin na pader na iyon? (Magalang na sabi ni mang kanor)
Siya nga't kahanga hanga ang mga bulaklak na iyon, ang bango nito na siyang tunay na nakakahumaling... sadyang napakaganda katulad ng Binibining ito... aking natatanaw na nga Mang kanor... at sa wakas makakapag pahinga nadin sa wakas ang Binibini...
-----
Senyor!!! Senyora!!!
(Humahangos na sigaw ng isang kasambahay)"Ano ba at balisa ka Pola?
Senyora ang Senyorita po!
" anong nangyari sa anak ko?
Nasa labas po ang Senyorita at walang malay po Senyora, hinatid din po ni Mang kanor at Senyorito Sofronito ng kabilang lugar.(magalang netong sabi)
" Pola pakitawag nga ng inyong Senyor,bilis... at akoy paparoon sa aming anak..
Masusunod po Senyora...
----
Buenas tardes Senyora Hermosa (magalang na pagbati ni ginoong Sofronito)
Magandang hapon po Senyora
(Sabay na bati din nila mang kanor at Esteban)"Magandang hapon din sainyo Ginoong Safronito at mag kanor at saiyo din ijo,
Ang anak ko' ano ho ang nangyari sa aking anak?(naluluhang sabi ng Senyora)Senyora kanina ho nang ako'y patungo sa kagubatan upang mangaso ay akin hong nakita ang Binibining kristal sa kagubatan at nakayapak po ito at kaniya din hong sinabi na nawalan siya ng kaunting ala ala dahil sa pagkakabagok ...(mahabang sabi ni mang kanor)
REBERTA!!! NASAAN ANG ATING ANAK?!!
"Mahal ko, nandito na ang anak natin ngunit wala itong malay...(maluha luhang sabi ng Senyora sa kaniyang asawa)
Mabuti pang iakyat na muna natin ang ating anak, at Pola!!!? Pakiusap naman na pakitawag si Doktor Puncho...
Masusunod po Senyor...
---
Senyor at Senyora Hermosa, inyo pong ipagpaumanhin ngunit hindi napo kami magtatagal pa dito sa inyo at kami ay papatungo na din sa aming distinasyon, nawa po ay maging maayos ang lagay nang Binibini...
"Maraming salamat Senyorito Sofronito sa paghatid sa aming anak.., mag iingat kayo....
Walang anuman pk Senyora, at salamat po...
------
Tuluyan nang umalis sina Ginoong Sofronito at Esteban kasama nadin si Mang kanor...ngunit hindi padin maalis sa isipan ng Ginoo ang maamong mukha ng dalaga...
Senyorito Sofronito, dito na lamang ho ako, salamat po sa paghatid sa akin...(pasasalamat na sabi ni mang kanor)
Walang anuman mang kanor....sige po at lalakad na kami....
Mag iingat po kayo Senyorito........
.....
Esteban? Mukhang tinablan ako ng pana ni kupido..
Siya ngang tunay Senyorito, nakakapanghinayang lamang at hindi kayo nakipagpakilanlan sa Binibini...
Ako man din ay nanghihinayang ngunit madami pang pagkakataon upang kami ay makapag usap, ang mahalaga sa ngayon ay naiuwi natin ito nang ligtas..ngunit ako'y nag aalala din sa kaniyang sinapit. Nawa ay maging maayos ang kaniyang pakiramdam...
-----
Samantala sa Mansyon ng mga Hermosa ay abala ang lahat sa pag aalaga sa nag iisang anak ng mga Hermosa, parito at paroon ang mga lakad ng mga magulang ng Binibini, maging ang mga kasambahay ng mga Hermosa ay nababatid ang pag aalala para sa kanilang senyorita.. nananalangin na sana sa paggising ng Binibini ay sila'y maalala.....
^^^^^^ Sa kabilang dako naman, matiwasay na nakauwi sina Ginoong Sofronito at ang kanang kamay nitong si Esteban, halata man ang pag aalala sa mukha ng Senyorito Sofronito ngunit tinatatagan ang loob at piping dasal na sana ay nasa maayos na lagay na ang dalaga, hindi niya man mawari kong anong klaseng pakiramdam ang kaniyang nadarama patungkol sa dalaga sapagkat bago lamang niya itong naramdaman... at gusto niya ang pakiramdam na ito....
----- Magkikita padin tayo aking Binibini---
(Salitang namutawi sa kaniyang labi na may kalakip na ngiti...)-----
![](https://img.wattpad.com/cover/342810240-288-k422933.jpg)
BINABASA MO ANG
AM I REINCARNATED?(COMPLETED) Series'1
FanficIsa sa pinaka tanyag na modelo around the globe si Crystal, ngunit paano kong ang kaniyang katanyagan ay bigla na lamang mawawala na parang bula?.... Makakayanan niya pa kayang ipagpatuloy ang pangalawang buhay niya na wala na ang dating nakasanayan...