Doće

505 14 0
                                    

Habang nasa kusina ang binatang si kaleb at dalagang kristal ay nag uusap naman nang masinsinan ang kanilang mga magulang,
Napagkasunduan ng mga magulang ni kaleb at magulang ni Kristal na ipagkasundo ang dalawa,
Masaya ang mag asawang Sandro, sapagkat sa wakas ay naisakatuparan nila ang nais ng kanilang binata, ayaw na nilang palagpasin pa ang sandaling ito at binalak narin ng pamilyang Sandro na ianunsiyo sa mismong kaarawan ng anak nila sa darating na linggo ang pag iisang dibdib ng kanilang anak sa anak na dalaga ng Hermosa ..

Malugod naman na sinang ayunan ng mag asawang Hermosa ang kasunduang ito, dahil narin sa nakikita nilang maganda naman ang kahihinatnan ng kanilang dalaga sa magiging asawa nito,... hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na halata naman talaga na may gusto ang binatang kaleb sa kanilang anak kaya naman pumayag ang mag asawang Hermosa sa kasunduang ito..

Upang maging matibay narin ang samahan ng dalawang maimpluwensiyang pamilya, siguradong wala nang makakabuwag nito...

----

Pabalik na kami sa hapagkainan ni kaleb nang mapansin kong ang seryoso naman nang usapan nila Ina..

Hanggang sa mapansin nila kami, at ang Senyora Lara ay nakangiti naman ito...para bang nakakita ng diamante ...

Hayst kong ano ano nalang napapansin ko...

Anak nakakagulat naman at ikaw pa talaga nagluto nang lahat nang ito?(tanong ni Ina sa akin, malamang Ina haha sino pa ba...? Ay teka hindi ko nakita si Loya, baka tulog pa, pero ...aysst matanong ko nalang ki Ina, baka naman diba alam niya, wala rin akong nakikita na mga katulong here... )

Opo Ina, ako po lahat nagluto niyan, ahmm Ina paumanhin pero nasaan po ba sina Loya at iyong iba po nating kasambahay?(magalang na tanong ko kay Ina)

Naku anak pasensiya kana hah, kong ikaw pa ang nagluto, inutusan ko kasi kagabi sina Loya at iyong kasambahay nating iba papuntang kabilang bayan,..
( iyan ang sagot sa akin ni Ina, hindi na ako nagtanong pa , kong ano ang ginawa nila doon sa bayan, baka saan pa humantong ang usapan .nakakahiya naman sa bisita..)

Ahmm ganoon po ba Ina,... ok lang naman po na ako muna ang magluto,  .( nakangiti kong sabi ki Ina)

Umupo na kayo anak at ijo para makapag agahan na tayo. (Marahan naman na sabi ni Ama)

- nagsimula na kaming kumain, at nagdahan dahan muna ako,.. haha tinitingnan ko kasi kong ano ang magiging reaksyon nila kapag natikman nila ang niluto ko.

Kaabang abang ba? Haha.. basta malay ko ba kong naalatan ko ba o hindi... kapag kase nagluluto ako ay hindi ko tinitikman ang niluluto ko... kaya malay natin di pala masarap ang lasa...

Pero wala pa namang nagreklamo sa luto ko noong una kong buhay eh, kaya siguro ok naman ang lasa kahit ngayon..haha choss.. pano pa eh cheff ako sa una kong buhay kaya surenesz masarap yarn...

Napatigil ako sa kakaisip nang may marinig akong nahulog na mga kubyertos, at nakita kong laglag panga sila, as in pati si Ina at Ama ay ganoon rin ang reaksyon , tanging si kaleb lamang ang unang nakabawi...

Ang sarap naman ng mga niluto mo Ija, pwede kana talagang maging may bahay..( sabi naman sa akin ng Senyora Lara habang naka ngiti...

At ano daw may bahay? Eses napaghahalataan kona si Senyor Lara ah, paano kasi habang sinasabi niya iyon sa akin ay napapasulyap pa siya sa anak niya... hmmm...baka guni guni ko lang.

Oo nga anak, ngayon lamang namin natikman ang luto mo dahil dati ay ayaw mong magluto... siguro nga ay ikaw ay nag iinsayong magluto kaya palagi kang mailap sa tuwing nahuhuli ka namin na may ginagawa sa kusina..(malumanay naman na sabi ni Ina sa akin..

AM I REINCARNATED?(COMPLETED) Series'1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon