Seis

651 12 0
                                    

Wow ganito pala dito sa lugar ng San Cuban, infairness maganda ang mga pader ah , este mga paninda.. choss.. kalerki, kong ikukumpara sa una kong buhay, ang lugar na ito ngayon ay malayong malayo pa sa modernong mundong aking pinanggalingan, hayssst nakakamiss din ang dati kong buhay,....pero wala eh... no more dramas na...

Anak halika rito at ikaw ay pumili nang iyong isusuot para mamaya...

Naku Ina , masyadong mahal ang mga paninda rito...

Anak walang makakapantay sa pagmamahal namin saiyo ng iyong Ina, kaya ang mga bagay na katulad na ito ay maliit lamang para sa ating pamilya, kaya anak pumili kana nang iyong nais at kami na ang bahala ng iyong ina na bumili...

Ahh eh sige ho Ama, Ina... doon lamang po ako sa parting iyon...para makapamili din po kayo...

Sige anak mag iingat ka hah? Tawagin mo na lamang kami nang iyong Ina,...

Opo Ama....

Woaaaa grabe nosebleeddddd na ang inyong dyosa, tagalog talaga salitaan eh.. hays buhay nga naman... so ito wala akong kabuhay buhay na tumitingin ng mga paninda dito... mga damit na mahahaba, filipiniana style talaga mga chong'

Ang init kaya nito kapag suot lagi, haysss... itong isa nalang masyadong simple pero idaan nalang sa ganda hehe, ang kulay niya ay Red with small diamond na nakalagay sa may dibdib, hindi naman over sa diamond,  natural lang iyong hindi ka naman magmumukhang ilaw sa liwanang na dala ng diamond,,

So ito na lang ang isusuot ko para mamaya, hindi naman siya masyadong mahaba iyong tipo na sumasayad na sa lupa, mas malala naman iyon,... so make it simple this time... .hindi man ako nakadalo sa party sa una kong buhay, pero ngayon sisiguradohin kong mag ienjoy ako....

....
Ina, Ama, ito na po ang napili kong isuot mamaya...
(Sabay pakita ko nang damit)

Anak hindi ba napaka simple naman nitong napili mo?
(Tanong ng Senyora)

Para sa akin Ina ay maayos naman itong damit,...

Kong iyan ang iyong nais aking anak, masusunod...(Sabi ng Senyora)

Salamat Ina, nga pala po kayo ni Ama nakapili narin ho ba kayo ng inyong isusuot para mamaya?(curious na tanong ko, kasi kanina ko pa napapansin na parang wala silang ganang pumili nang isusuot na damit,hmmm baka mayroon na sila kaya ganon).

Anak kasi may biglang nangyari, may dumating na liham galing sa iyong lola, nais niya kaming pumunta nang iyong ama, kaya nagdadalawang isip kami anak na wag na lamang tayong dumalo sa pagdiriwang mamaya, pero habang napansin ko na masaya ka sa pagpili mo nang isusuot eh nagtatalo ang damdamin namin ng Ama mo,...
Ano ang iyong suhesyon aming anak?
(Mahabang salaysay ng Senyora)

So kaya pala parang balisa sila kani- kanina lamang... bakit naman kaya biglaan ang pagtawag sa kanila ng lola? At ngayon kolang nalaman na may lola pala ako... aissst anebe crystal hindi saiyo lola kundi sa totoong crystal,... haisttt... bahala na nga, pero nakakahiya naman na hindi umattend sa party later eh, hindi na nga ako nakarating pa sa party ko sa unang buhay ko, pati ba naman dito mauunsyame pa... pero dahil nais nilang malaman ang sugestion ko kaya galingan na natin ng bonggang bonggang paliwanag...

Ama, Ina , ahm nakakahiya naman po kasi kong hindi tayo dumalo mamaya, ahmm kong inyo po sanang marapatin Ama, at Ina, nais ko pong e suhesyon na ako na lamang ang dadalo para sa ating pamilya, nang sa gayon po ay makapunta po kayo kay lola, nais ko man po na sama-sama tayong tatlo mamaya para sa pagdiriwang ngunit mas mainam naman po ito na kahit isa sa atin ay makadalo sa pagdiriwang mamaya.. ikumusta niyo na lamang po ako kay Lola, Ama, Ina...(mahaba kong sabi with lungkot ng boses para madala diba..)

Tunay ngang yumayabong na ang kaalaman sa pag unawa ng ating anak Aking Mahal, ..
Masaya kami ng iyong Ina sa iyong desisyon anak, hayaan mo at ihahatid ka namin mamaya sa pagdiriwang, para mapanatag din ang aming kalooban...

Ama wag na po kayong mag alala pa, isasama ko naman po mamaya ang aking katulong at si Mang Sebo, hindi naman po ako nag iisa,. Kaya Ama, Ina umuwi na po tayo at nang makapag ayos narin po kayo ng inyong gamit paalis...

Hmmm mukhang wala na kaming magagawa sa desisyon mo anak? Napaka maunawain mong anak, kaya nagpapasalamat kami nang iyong ama dahil sa lumaki ka nang may pagmamahal at may pag galang...( masayang sabi ng Senyora)

Ina saan pa po ako magmamana eh sainyo lang naman ni Ama,....

Oh siya anak tara na at baka lumaki pa ang ulo ng iyong ama sa kakadinig ng iyong papuri sa kaniya...( natatawang sabi ng Senyora)

Aking mahal naman, nag mana talaga sa atin ang anak natin. Tingnan mo napaka ganda at mabait, sadyang aking katangian ...(may pagka mayabang na sabi naman ng Senyor)

Wag kanang mag salita pa mahal, umuwi na tayo at nang makapag pahinga naman ang ating anak...



Tara na anak.....

Sige po Ina, Ama....

(Iyan na lamang ang nasabi ko, nag eenjoy pa kasi ako sa labing labing ng dalawang mag asawa sa harapan ko, kong sana nabubuhay pa ako at ang magulang ko sa una kong mundo, ganito din kaya kami kasaya? Ganito rin ba ang pakiramdam nang may magulang?...

Haist diba crystal wag nang magdrama, may party kapang dadaluhan...

Ay!! Kabogin nalang natin ang mga pipols later, wala naman kasing nagbago sa panlabas kong anyo, kong ano ang mukha ko sa una kong buhay ay ganoon din ang mukha ko dito sa pangalawang buhay...
Nagkataon nga lang ba? Hmmm
Btw ano kaya mga itsura ng mga dadalo later sa party? Wala man lang kasing theme , basta nalang may masuot na maayos na damit ok na...

Nalaman ko rin kina Ina at Ama, wow ama at ina na talaga tawag ko, chosss. Bakit ba...haha
So ayon nga nalaman ko na lahat ng mamamayan ay inembita nang Heneral Pablo para mamaya , napaka bait naman akalain mo isang heneral mang iimbeta ng lahat ng kaniyang taong nasasakupan, baka nga may mga mamamatay tao din mamaya na dumalo..

Hala! Baka matyugi na naman ako neto kong magkaganon, wag naman sana, ..mga mababait naman ata sila diba?? Cross fingers* sana walang aberya mamaya, para naman masaya ang lahat...
Excited na me ma sight kong anong klaseng heneral ba ang tinitingala ng mga tao dito sa San Cuban...

........

Hanggang sa makauwi kami nila Ama at Ina, kong susumahin mahigit 3 oras din ang tinagal nang byahe namin pauwi,
Dito kase ang gamit ang puro kalesa ang sinasakyan hindi tulad ng sa modern world na de car ang mga pipols o di kaya naman mayroong jeep, kaya madaling makarating sa paroroonan, dito tyaga at pawis ang puhunan ng mga tao, kaya nasabi ko iyan kasi ang iba na walang kabayo ay sila na mismo ang mismong magpapasan ng sasakyan mo,... paano pa kong mataba ang sasakay eh di alam niyo na....basta ganoon dito, hindi pa ako sanay kasi naman hindi naman ako nabuhay noong panahon ng hapon ..

So ayon nga nakauwi kami na super antukar na ako,... medyo madilim nadin sa labas mukhang mag 6pm na ... may isang oras pa ako para mag handa para sa party kasi 8pm raw ang party, kaya kailangan na ding mag ipos...

Anak, mag pahinga kana muna at mag ayos pakatapos, kami naman ng iyong ama ay tutungo na papunta sa iyong lola at baka kami ay gabihin pa sa daan,... masaya kami ng ama mo at nasamahan ka namin kahit man lang pauwi...

Hmmm sige po ina, ama mag iingat po kayo... (halik ko sa pisnge nila pareho, nakaka touch naman ang mga magulang ni crystal este magulang kona din,... nag abala pa talaga na maiuwi ako nang maayos... salute po ako sa lahat ng mga magulang....**)

----

So kailangan ko nang mag ayos......
----

AM I REINCARNATED?(COMPLETED) Series'1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon