Chapter IV

444 9 8
                                    

Chapter IV - What’s that?

HINDI dinner ang request ni Rigor na celebration nila, nagyaya itong mag bar. Good thing ay pinayagan naman siya ni Javier dahil maaga itong umuwi mula sa clinic nito. Niyaya na rin ni Vella ang kaibigan niyang si Gia para naman hindi ito magmaktol na wala ng social life si Vella. Hindi naman siya magtatagal, hanggang alas diyes lang siya dahil nag aalala siya sa anak na si Bea.

“Uuwi rin ako ng ten.”

Gia groaned in disapproval. “Ano ka, teenager?”

“Nope. A mother and wife.” she smiled sweetly.

Gia rolled her eyes samantalang tawang tawa naman si Rigor sa kanilang dalawa.

“Sayaw na tayo!” si Gia.

Tumanggi siya at nanatili na lang sa bar counter. Isang cocktail lang ang iniinom ni Vella habang sina Rigor at Gia ay vodka at rhum. Dala pa ng mga ito ang alak sa gitna ng dancefloor. Napapailing na lang si Vella.

Noong dalaga pa siya, hindi naman niya maitatanggi masaya ang night life niya, kahit na karelasyon na niya noon si Javier, pinapayagan siya nitong lumabas sa gabi para naman mag unwind. Javier was too focus in his studies, siyempre, kailangan puspusan ang pag-aaral nito noon. Iba na kasi ngayon, may mga priorities na si Vella at isa na roon ang negosyo at pamilya.

Ginala ni Vella ang tingin, malikot ang mga ilaw sa loob ng bar. The music was so loud as well as the hype of the crowd. Nagawi ang tingin niya sa may mga table sa kanang banda ng bar, tumigil ang tingin niya sa matangkad at matikas na lalaking nakaupo, tumatawa habang nakikipag inuman sa mga kasama nito.

That was Thryon McTrevor and his group of friends, she guess? May katabi itong babae, pamilyar iyon. Ang alam ni Vella, isa ata iyong rising actress.

She just shrugged and continue drinking her cocktail. Bumalik na ang bangag na si Gia at Rigor sa pwesto niya, naupo ang dalawa sa magkabilang gilid ni Vella.

“I had dinner date with him last time.” sabi ni Vella nang tanungin ni Gia kung kinungratulate ba siya ng asawa sa panibagong deal with client.

Tumango ito at ginala ang tingin. “Oooh! That’s one of the McTrevors, right?”

Nilingon niya na ito, mukhang nakita rin ni Gia ang nakita niya kanina. This time, nakatingin na rin ito sa gawi nila. Baka namumukhaan si Rigor.

“I heard his father married four different women!” Gia exclaimed.

“Yeah, the last wife is my friend, Sienna.” si Rigor.

Her client’s mother!

“Kung hindi pa namatay ang gago na ’yon, malamang ay nag-asawa pa pagkatapos pagsawaan si Sienna.” dugtong pa nito. “Well, Steve McTrevor is wealthy and hot! No wonder maraming nagkandarapa dito kahit may edad na.”

“Ilang mga anak ang iniwan niya?”

Nakikinig pang si Vella sa kwentuhan ng dalawa, hindi naalis ang tingin niya sa table ng lalaki panay rin kasi ang sulyap nito sa gawi nila.

“Thryon is from the first wife, though di naman talaga kinasal si Steve kay Yvanka! I also heard he had two daughters from the second wife, no child from third and two children from Sienna.”

“Really? Matinik!” halakhak ni Gia.

“But all of his properties were given to Thryon,” Rigor explained. “Hinatian lang nito ang mga kapatid kahit na ayaw ni Yvanka na mangyari iyon!”

“Why?” si Gia.

“Because Thryon was the first born and lalaki pa! Tsaka medyo atichona talaga si Yvanka, lagi niyang inaaway si Sienna.”

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon