Chapter XXIX

521 10 1
                                    

Chapter XXIX - Stop

JAVIER was right when he said that Ivella can never live in peace because of him. She have move on pero takot naman ngayon ang nararamdaman niya. Takot na baka bawian siya ni Javier. She’s anxious and paranoid. Pakiramdam niya ay hindi siya hahayaan ni Javier na maging masaya. If only, she didn’t pushed through that fucking revenge; If only, she had a proper closure with him. Hindi na sana siya nakakaramdam ng pangamba ngayon.

Totoo nga, the best thing to get revenge is to do nothing. Kung katulad lang siya ni Helise San Isidro – now Salvatorre – hindi na sana siya umabot pa sa ganito.

Fright is the worst feeling. Para kasing laging may tinataguan si Ivella kahit na wala naman pala. Hindi siya makampante.

Ryo made a report to the police tungkol sa possible stalking na nararanasan ni Ivella pero wala silang matibay na ebidensya. Mas lalo tuloy naghigpit ng seguridad ang dad niya. Kahit si Henrietta ngayon ay may nakasunod ng ilang bodyguards. Hindi pa naman ito sanay na maraming nakabuntot dito.

“I’m sorry, ate. Pati kayo ni Leo Heinley nadadamay.” aniya nang makasalubong niya ito sa hallway ng third floor ng mansyon nila.

Humalukipkip ito sa kaniya. “Subukan lang niyang galawin ang anak ko, lulumpuhin ko siya at ibabaon sa lupa.” gigil na anito pero kumalma rin naman. “But it’s not your fault, Ivella. Don’t let him be the hindrance to your happiness again.”

“Ate... Natatakot ako, e.”

“Why?” hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “We have all the resources that we needed. Our family can crush him easily. Hindi niya tayo magagalaw.” kampanteng anito.

Mahina talaga ang loob ni Ivella. Sa kanilang pamilya, siya ang pinakamahina.

“Gumagalaw na ang mga tao ni Dad para mahanap si Javier, Ivella. Don’t worry too much, okay?”

Sobrang laki ng pinagbago ng ate Henrietta niya. She wasn’t that frigid as usual but she’s still have that dominant side of her. She was glad that whatever happened to her, she remained strong. Sana ganoon din si Ivella.

Kailan ba siya magiging malakas?

Sa loob ng tatlong taon, wala siyang ibang inintindi kung hindi si Beatriz at ang sarili para makapag move on. Kung alam niya lang, sana ay ni-ready niya na rin ang sarili mentally and emotionally.

She’s already drained. Kung kailan gusto niyang buksan ang puso at sumubok muli, saka naman dumating ang takot na nararamdaman niya. She haven’t talk to Ryo about it. Palaging ang kapakanan niya at ang nararamdaman niya ang inuuna nito. Bagay na talaga namang nakakahanga.

For the past few weeks, hindi masyadong naglalabas si Ivella. Sinabi na lang niya kay Rigor na hindi muna siya babalik sa Boutique at ito muna ang bahala doon. She didn’t informed him the details dahil ayaw niyang pati ito ay mag-alala pa sa kaniya.

She sighed. Everything is a mess. Parang pinagsisisihan na nga niya ang bumalik sa Pilipinas.

“Señorita Ivella, may bisita po kayo.” sabi ni manang Rosing sa kaniya.

Tumango siya rito. Alam naman niyang si Ryo iyon dahil sa ilang linggong pamamalagi niya lang sa mansyon ay panay itong dumadalaw sa kaniya para kumustahin siya.

Inayos niya ang sarili bago bumaba. Sa elevator ng bahay nila siya sumakay pababa.

Naabutan niya si Ryo sa isang living room nila sa mansion kausap nito si Beatriz. Mapait siyang napangiti. This is not how she wanted to introduce her daughter to him, pero wala, dahil sa takot niya kay Javier, nagkanda-letse letse na naman ang buhay niya.

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon