Chapter VIII - Doubts part 2
“THANK you.”
Tumango ang binata sa kaniya. Hindi na ito pumasok sa loob pa ng bahay nila, isa pa, hindi magandang tignan iyon lalo na’t wala ang kasama nila sa bahay at maging ang asawa’t anak niya.
“Gusto mo, tumawag ako ng driver para ihatid ka pabalik sa clinic?”
He shook his head. “I will take a cab outside.” tinuro nito ang gate nila.
Tumango naman si Vella. “Salamat ulit.”
“Okay. I’ll get going. Take a rest.”
Tumango na naman siya at muling nagpasalamat. Tumalikod na si Vella, hindi na nilingon ang umalis na binata. He was a good man, bibihirang makakita si Vella ng mayaman na mabait, well, marami naman talaga siguro ang kaso lang, napalibutan lang talaga siya ng mapagmataas tulad ng pamilya niya. Well, the Araniegos are sort of like that too but the McTrevors.. She didn’t know. Maingay lang naman ang pangalan ng ama ni Ryo noon dahil nga nag-asawa ito ng apat na babae, halos magkakasunod pa.
Well, magpapahinga na ngayon si Vella. Kailangan niya ng kaunting tulog bago niya sunduin mamaya si Bea sa school at didiretso na naman sila sa office.
Hindi niya alam kung magkakaroon ba ng time na makakapag-usap sila ni Javier ngayon.
Nagising si Vella sa mahinang kaluskos. Pumikit-pikit pa siya bago tuluyang binuksan ang talukap ng mga mata. Una niyang naaninag ang asawa habang naglalapag ito ng isang tray ng pagkain sa mesa sa gilid ng kama nila.
Nalingunan din siya ng asawa. “Gising ka na? Medyo may sinat ka.” anito. “Kumain ka muna.”
“Anong oras na?” she hoarsely asked. Her throat was dry.
Napansin iyon ni Javier kaya inabutan siya ng isang baso ng tubig, ininom niya naman iyon.
“Ala una na.”
What?! Ng hapon? Si Beatriz!
“Don’t worry nasundo at napakain ko na si Bea. Magpahinga ka muna.”
Nakahinga naman siya ng maluwag doon. Kinuha na ni Javier sa kaniya ang isang baso ng tubig.
“Where is she?”
“Nasa kwarto na niya, siesta time niya na.” sagot nito. “How are you? Galing ka raw sa clinic kanina sabi nina Ruben at Cori.”
She gave him a slightly nod. Naalala na naman kasi niya ang pagsisinungaling nito.
“Nandoon din si Mr. McTrevor? Sabi niya, hinatid ka raw niya dahil masama ang pakiramdam mo. Pinatingin niya na rin ang injury ng aso niya.” sabi nito. “I already thanked him.”
“Where have you been last night? Ang sabi nila mama, nasa clinic ka. Kaninang nagpunta ako, wala ka roon mula kagabi.”
Hindi na nakatiis pa si Vella.
Tinignan niya kung paanong maayos na ayusin ni Javier ang salamin nito sa mata. He even cleared his throat.
“I was at the village nearby.” umpisa nito. “May na-rescue raw kasi na sawa na hindi maganda ang lagay, akala ko sa clinic nila diniretso pero nasa brgy pala. Kaya ako na lang ang nagpunta doon since, lagi naman akong may gamit sa sasakyan.”
Isang sawa? Pero magdamag itong wala.
“May mga ginamot na rin akong aso at pusang gala doon sa brgy. I stayed there for hours to monitor them. Hindi ko namalayan na inumaga na pala ako.”
“Is that so...?”
Nakampante si Vella sa narinig. What was she thinking? Saan nanggagaling ang kaunting pagdududang nararamdaman sa asawa? How could she? Sa ilang taon nilang nagsasama!

BINABASA MO ANG
Lies in Vows
RomansaBETRAYAL SERIES BOOK 2 Ivella Roscente-Pragio, from the family of the most well off business tycoon-Roscente. A well established woman, the owner of Mi Bella couture. She is one of the youngest self-made millionaire in the country even before she go...