Chapter XVII

525 16 2
                                        

Chapter XVII - the exes part 1

ISANG buwan matapos ang trahedyang nangyari kay Ivella, sinimulan na niyang bumalik sa trabaho at the same time, sinimulan na niyang baguhin ang sarili. Pakiramdam niya nga ay hindi na siya ang dating Ivella na nakilala niya, napuno na ng poot ang galit ang sarili. Isang bagay na hindi na niya kayang pigilan. Mula sa pananamit hanggang sa pananalita ay binago ni Ivella ang sarili. She wants a new version of herself. She wants something new, something better? Or worst.

She cut her hair short, colored it with a daring color red. She didn't wore light and neutral colored dresses anymore. She's into dark clothing right now, para bang nagbago ng stylist si Ivella but her designs remained the same. It was her passion, wala sigurong makakapagpabago niyon sa kaniya.

"Napasara na po namin ang clinic ni Mr. Javier Pragio, napatigil na rin ang pinapatayong shelter, Señorita Ivella." ulat sa kaniya ni Dante, isa sa mga matagal ng tauhan ng ama.

"Make sure na hindi siya makakapagpatayo ng bago niyang clinic at shelter. Harangin niyo lahat ng makakatransakyon niya." malamig na aniya.

Tumango ito sa kaniya. "Nahanap na rin po namin kung nasaan ang pamilya niya ngayon."

She stopped scanning her iPad with her designs.

"Nasa Malaysia po. May biniling properties si Mr. Javier Pragio doon six months ago, while you were still married to him, Señorita."

Binaba niya ang iPad niya. "Make sure to get that property. I want them here in the country. I want them to witness their son's failure."

"Yes, señorita."

This is just the start of her revenge. Kukunin niya ang tanging pinakaiingatan ni Javier, ang lisensya nito, ang gusto nitong patunayan at ang kaligayahan ng pamilya nito. Without his liscense and his clinic, sino ba ito? He was just a no name veterenarian like what her mother said. Kung noon ay maawa pa si Ivella, ngayon ay hindi na. Wala na siyang pakialam kahit na gaano pa karami ang matapakan niyang tao. Maybe it was really run into their blood. She is a Roscente, after all.

Sa isip niya, mabuti na rin na nanatili sa Europe ang anak kasama ang ina dahil kung narito si Bea ngayon, baka hindi niya magawa ang mga bagay na ito. Baka maging malambot na naman siya at mauwi lang sa wala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Nagpaalam na si Dante, sumandal si Vella sa kaniyang upuan. Marami pa siyang bagay na gustong gawin. Marami pa siyang dapat na tapusin. Gusto niyang durugin ng pinong pino ang ego ni Javier. Kung pwede nga lang ay pati ito ay tuluyan niyang durugin pero hindi siya kriminal.

“Hi.”

Napalingon siya sa bagong pasok muli sa kaniyang opisina. Umayos siya ng upo nang makitang si Ryo iyon.

“Your secretary is not outside. I’m sorry if I barge in.” sabi pa nito.

“No problem. Have a sit.” alok niya rito.

“I brought you coffee.”

And flowers? Dugtong niya sa kaniyang isip. Ryo was holding two cups of coffee inside a plastic bag and a bouquet of green roses. Lately, palagi itong nadalaw sa kaniya at may dalang kaparehong uri at kulay ng bulaklak. She knew that Ryo felt sorry for what happened to her. They’ve gotten really close these days.

Ryo is a gentlemen. Misan napapaisip siya, kung nauna niya ba itong nakilala or kung naghanap siya ng ibang option noon, siguro ay mapapansin niya ito. Iba na kasi ang sitwasyon niya ngayon. Alam naman niyang sa mga pa-ganito ni Ryo ay nagpaparamdam ito. She’s not assuming things, she knew how he looks at her. It’s just that she chose to ignore it because she isn’t prepared for anything.

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon