Chapter XX - Price
AND true to her words, they did send her a formal invitation months later. She was really expecting this pero gusto niyang matawa. Hindi niya alam na gagawin talaga ito ni Gia sa kaniya. After all the love and trust that she had given to their friendship. Well, what is sisterhood if there’s a man in between. Nagkibit balikat siya at medyo nadismaya nang makitang intimate wedding ang gagawin ng mga ito at wala masyadong guest.
Ang unang plano niya ay gumawa ng gown na kapareha sa pinagawa ni Gia at medyo kakapalan niya ang mermaid style tail na maari nitong matapakan unlike the original once. She will surely enjoy if the bride will fall on the day of her wedding but since it’s intimate, wala masyadong makakakita nito kaya siguro iibahin niya na lang ang pasabog niya kay Gia.
Inaayos na niya ang mga gamit niya. It’s the time of the month na kailangan niyang umalis saglit sa city. Every month ay ginagawa niya iyon. She’s going to a nearest hill or maintain, it can be in Batangas, Pangasinan or Bulacan just to see the clouds. Medyo maulap ngayon nang makarating siya sa Tila Pilon Hills sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan. She climb ’till the top of the hill and sat there.
Nilapag niya ang isang bagay na palagi niyang dala sa damuhan. Then, she look up the sky. Makulimlim talaga ang langit na para bang nagbabadya ang pagbuhos ng ulan.
She sighed. Liningon niya ang bagay na nilapag niya sa damuhan. Kinuha niya iyon at binuksan. It was a music box. A soft music played. She inhaled the breeze of the wind. This is how she grief for her lost pregnancy. Kahit naman ilang weeks pa lang bago siya makunan noong panahon na iyon at according sa science ay hindi pa iyon baby but as a mother who lost her child, it was really hurt. Kaya kahit paano ay nag-isip siya ng paraan kung paano pagluluksaan ang nawalang anak. Every month, at the same number of the date of her miscarriage like a ‘monthsary’ lumalabas siya ng metro para umakyat sa bundok at maging tulala ng ilang minuto o oras habang tumutugtog ang music box. Iba-iba siguro talaga ng way of grieving ang mga taong nawalan, lalo na ang mga inang tulad niya. She will do this until the first angelversary of her baby.
Sa ganitong paraan, natatakasan ni Ivella ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Nakakalimutan niya iyong galit at poot na namuo sa kaniyang dibdib. It was the time of the month that she will try to pour her heart out again. Kasi, mula nang gaguhin siya ni Javier, hindi na nakaiyak ng maayos si Ivella. Parang ang dami dami ng pumapasok sa isip niya at hindi na niya alam kung ano ang uunahin.
“You will always be my favorite, what if...” bulong niya sa hangin habang nakapikit ang mga mata.
Nang dumilat siya ay nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. On the other hand, she felt a little bit of relief. Siguro kung hindi niya nalaman ang mga pinaggagawa ni Javier habang nakatalikod siya at natuloy ang pagbubuntis niya sa pangalawa nila, baka hanggang ngayon ay pinagmumukha pa rin siya nitong tanga.
Tatlong oras ang tinagal niya sa bundok na iyon at sa tatlong oras na iyon, umambon lang ng saglit pero hindi na lumakas ang ulan. Nabasa si Ivella pero hindi naman masyado. Nang makuntento na ay pinatay na niya ang music box. Kinuha iyon at saka tumayo. Bababa na siya ng burol. Kinuha niya ang kaniyang cellphone para i-text si Ryo.
To: Ryo McTrevor
I'm here in Bulacan. Can you fetch me?
Pinasa niya rin dito ang exact location kung saan siya maghihintay. Segundo lang ang binilang niya ay nagreply na ito.
From: Ryo McTrevor
Sure. On the way.
She smiled. Binalik ni Ivella sa bulsa niya ang cellphone at patuloy na naglakad pababa.

BINABASA MO ANG
Lies in Vows
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 2 Ivella Roscente-Pragio, from the family of the most well off business tycoon-Roscente. A well established woman, the owner of Mi Bella couture. She is one of the youngest self-made millionaire in the country even before she go...