Chapter IX - The strong evidence
VELLA was still shaking. Up until now, iniisip niya pa rin iyong malalaking perang pumapasok sa account ng clinic ni Javier. What if may ginagawa na itong iligal? Kaya ba napapadalas na ang pag overtime nito sa clinic? At minsan ay hindi na umuuwi? Paano kung.... God, gustong pigilan ni Vella ang pag-iisip ng hindi maganda sa asawa pero paano nito maipapaliwanag ang mga perang iyon?
Nasa higit kumulang isang daang milyon ang pera doon! The money was started to pour a year after Javier established the clinic.
Hindi tanga si Vella, hindi ganoon kalaki ang dapat na pumapasok sa account ng clinic. Ano iyon? Ginto ang medical service ng asawa niya? At hindi lahat ng kliyente nila sa clinic ay pribado! Karamihan ay rescued animals.
She massage her temple. She decided to go to his clinic but at some point, gusto niya pang pagbigyan si Javier, baka may ibang dahilan kung bakit ito naglilihim ng ganito sa kaniya? Pero hindi mapatagal si Vella! Ang gusto niyang malaman ay kung saan at bakit ganoon kalalaking pera ang pumapasok sa account na iyon? Baka kasi may hindi na magandang pinasok ang asawa.
What if he’s doing dr*gs? What if undercover lang ang clinic? Oh, God! Vella! Everything is making her crazy! Hindi niya nagugustuhan ito.
Sa huli, matapos makipagtalo sa sarili ay nagpunta siya sa clinic ni Javier pagkatapos ng trabaho niya sa office. Tumawag muna siya kay Ate Yoli para tanungin kung nasa bahay na ba ang asawa, wala pa naman daw ito kaya sigurado siyang nasa clinic ito.
Bumaba si Vella ng sasakyan, as usual, she wore her facemask. Nakita niya ang nakaparadang pulang kotse sa labas, sa likod nito ay ang SUV ni Javier. Narito pa nga ang asawa kaya sumilip muna siya sa bintana mula sa labas, kumunot ang noo ni Vella dahil parang wala na ang mga staff doon. Hindi ba’t may nag-i-stay in na rito?
“Excuse me?” tawag niya nang makapasok sa loob. Walang sumagot. “Is anybody here?” her echoed, may ilang mga aso sa kulungan ang tumahol sa kaniya.
She suddenly got nervous as she walks towards her husband’s office. She gulped to ease the hard feelings in her throat.
Mabigat ang bawat hakbang ni Vella. Tahimik ang paligid maliban na lang sa iilang tahol ng mga aso at meow ng mga pusa. Nahawakan ni Vella ang doorknob ng opisina ng asawa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Mabilis na pinihit niya iyon pabukas. Madilim na office ang bumungad sa kaniya, wala roon si Javier! Pero bakit bukas ang clinic nito?
Mabuti na rin siguro na wala roon ang asawa nang sa gayon ay makapaghanap ng maayos si Vella. Kung ano man ang hahanapin niya, hindi niya alam. Ang importante ay mabigyan ng kasagutan ang mga hinala niya.
Umupo siya sa swivel chair ni Javier, she removed her mask, hindi siya nagbukas ng ilaw, tanging ang flash light niya lang sa cellphone ang liwanag na ginamit. Nagbukas si Vella ng mga drawer, she even opened every folder that she saw. Binuksan niya rin iyong folder na nakita niya noong nakaraan. Binulatlat iyon ni Vella, puro mga impormasyon nga iyon ng mga kliyente ni Javier!
Hindi niya na sana babasahin iyon pero may kung ano sa mga kamay niya na inilipat ng inilipat ang mga pahina. The clients are all women, pretty women, may mga nakalagay din doon na date for private sessions. What was that? Anong private session?
Nanginginig ang kamay ni Vella, binaba niya iyon sa mesa, mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Vella. Nahagip ng mga mga niya ang isang tela sa bukas na drawer. It was the same fabric that she saw last time. Something thin and lacy. She took one of his pen to get that thing.
Halos gumuho ang mundo ni Vella nang maiangat iyon at makitang maiigi kung ano ang tela na iyon. Nabitawan niya rin iyon kaagad! Tinutok niya ang flash light doon para muling makita iyon.

BINABASA MO ANG
Lies in Vows
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 2 Ivella Roscente-Pragio, from the family of the most well off business tycoon-Roscente. A well established woman, the owner of Mi Bella couture. She is one of the youngest self-made millionaire in the country even before she go...