Chapter XXVII - Fright
Three years later ...
PAGKASABIK sa bansang kinalakhan ang unang naramdaman ni Ivella nang makatapak muli siya sa Pilipinas. Three years have been passed and it was a peaceful and full of healing years for Ivella. She was really happy that she finally had the guts to go back in her home country. Napakabilis ng panahon. Her daughter, Beatriz is now eight years old! Like her, she was also excited to go back here. Miss na miss daw kasi nito ang grandma nito. Bihira lang kasi na dumalaw sa kanila ang mga magulang niya.
She was smiling form ear to ear. Sina Dante at Manang Rosing ang sumundo sa kanila sa airport. Abala raw kasi ang mom at dad niya. Lalo na ang mommy niya dahil ito raw ang nagmamando ngayon sa kusina. Talagang naghanda ito sa pagbabalik nila. Hindi pa nga siya makapaniwala na gagawin iyon ng ina. It was out of her character to be in the kitchen, doing things. Siguro ay sabik talaga ito sa pagbabalik ng kaisa-isang apo.
They were also excited to see them pero mas excited si Ivella na makabalik sa boutique niya. Ilang taon na rin siyang namahinga rito, ngayon ay sisiguraduhin niyang maging hands on na uli sa pag gawa ng mga bagong designs ng gown.
Bumyahe na sila pauwi sa Ivessa mansion.
She was smiling when they hit the traffic. Wala talagang tatalo sa traffic sa Manila but that’s fine, isa ito sa mga na-miss ni Ivella. Funny, dapat nga ay naiinis siya dahil sa traffic pero na-miss niya ito. Parang ewan lang.
Throughout her stay in US, walang ibang ginawa si Ivella kundi ang asikasuhin ang anak. They’re both happy there. Parang ito na nga ang lugar kung saan naging happy place nila ni Beatriz. Kaya lang, nagsimula na kasi roon ang ‘Asian hate - culture’ kaya minabuti na nina Ivella na umuwi ng Pilipinas. Grabe na kasi ang hate - culture doon ngayon, may mga napabalita nang namatay na. Siyempre, natatakot si Ivella para sa kaligtasan ng anak.
“Welcome home, anak.” her father gave her a warm embrace when he saw her. Malugod na tinanggap iyon ni Ivella. “We miss you, I hope you’ll stay here for good.”
“We missed you too, dad. Yes, Bea and I will stay here again.” sagot niya bago pinutol ang yakap sa ama.
“My sweetpea, Beatriz!” ang ina niya na sinalubong kaagad ang apo nito. “Ang laki-laki mo na! Good thing at nagreduce ka na ng weight.”
Ivella wanted to made a face. Hindi na talaga matatanggal ang ganoong ugali ng ina. She just laughed at her comment.
“I miss you po, grandma.” yumakap ang anak niya sa lolo at lola nito.
Pumasok na sila sa loob ng mansyon. Ivella was enveloped by the familiar ambiance of their ancestral house. She smiled. She’s back.
This is real.
Sa dining area sila dumiretso. Tuwang tuwa ang mom at dad niya. Hindi magkanda ugaga habang inaasikaso si Beatriz. Ngayon niya lang nakitang ganoon ang mga magulang. They’re usually cold. Mukhang bumabawi na talaga ang mga ito sa apo.
Ivella was about to sit down on her designated chair when she saw a little boy, accompanied by one of the maids. Umupo ito sa tabing upuan na madalas inuupuan ni Henrietta noon. The little boy was about two years old, maliliit ang hakbang nito pero hindi nagpabuhat sa maid na nakasunod rito.
Takang taka namang napabaling si Ivella sa mga magulang. Ang mom niya ay inalalayan ang batang lalaki na maupo.
“Is that my little brother?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Napasinghap naman ang ina. “Ivella! What?! Sa tingin mo makakabuo pa kami? Menopause na ako!”
“E, kaninong anak ’yan?” tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/301236356-288-k872479.jpg)
BINABASA MO ANG
Lies in Vows
RomantizmBETRAYAL SERIES BOOK 2 Ivella Roscente-Pragio, from the family of the most well off business tycoon-Roscente. A well established woman, the owner of Mi Bella couture. She is one of the youngest self-made millionaire in the country even before she go...