Chapter XXVIII

552 13 0
                                        

Chapter XXVIII - Black hoodie

PARA sa ikatatahimik ni Ivella ay nagpadagdag ng maraming security ang ama. Kahapon lang ay dumating na rin ang mga bagong bodyguards na pinadala ng San Isidro Security Agency. Kilala na magaling ang agency na iyon kaya tiwala ang ama na makakasiguro sila sa seguridad nila. Mabuti naman kung ganoon, nakahinga naman ng maluwang si Ivella.

Isang linggo na rin naman na ang nakalipas matapos ang insidenteng nakita niya si Javier. Hindi man niya nakita ang buong mukha nito pero malakas ang kutob niya na ang dating asawa niya ito. Pagkatapos naman niyon ay wala na siyang nakitang kakaiba. Isang linggong tahimik naman mula nang bumalik sila.

Kinuwestiyon niya tuloy ang sarili dahil baka nag over react lang siya sa lalaki pero iba pa rin ang kutob niya.

She tried to be calm. Mabuti na lang at kasama niya ang pamilya at laging sinasabi sa kaniya ng dad niya na walang mangyayaring hindi maganda hangga’t nasa poder siya ng ama.

Sinubukan ni Ivella na ipagsawalang bahala iyon. Kampante na siya, may bodyguards ang mga bata at ang ancestral house nila. Nang araw na iyon, sinubukan ni Ivella na magpunta ng Mi Bella couture. She wanted to surprise Rigor and she’s here na. Walang bodyguards na sumunod sa kaniya dahil may guard naman sa building ng couture niya. Ang importante ay ang mga bata.

Pagbaba niya ng sasakyan ay dumiretso na siya sa elevator paakyat sa office niya. She was really glad to be here again, halos walang pinagbago liban na lang sa ilang mga parteng ni-renovate.

She went straight to her office at naabutan niya roon si Rigor habang may kausap na isa sa mga hired designers nila.

“We should add a bit of sequence and laces here, shiny kasi ang gusto ni client – OH MY GOD! Is that you, Ivella?!” his eyes widened in shock upon seeing her. Kaagad itong tumayo sa swivel chair nito at halos takbuhin na ang pagitan nilang dalawa. Isang mahigpit na yakap ang ginawad nito sa kaniya. “I miss you, girl! Gosh! Di ka man lang nasabi na ngayon ang balik mo!?”

“Well, surprise!” she laughed at him. “Huhulihin sana kita e, baka may lalaki ka nang dinadala dito.” biro niya.

“Sira!” mangiyak-ngiyak ito. “God! My mascara! Loka-loka ka! Di ka man lang nagsabi para nakapagprepare ako ng welcome party.” nagpapadyak ito.

“No need.” binalingan niya ang kausap nito. “Hi, Carylle.” bati niya. Madalas niya itong makita kasama ang iba pang designer nila kapag may zoom meeting sila. “You can leave us muna.” nginitian niya ito.

“Welcome back po, Ma’am Ivella.” anito bago umalis.

Naupo naman sila ni Rigor sa sofa. Binaba niya ang bag sa coffee table. Si Rigor ay exagerated na umiiyak na sa kaniya habang paulit-ulit nitong sinasabi na na-miss siya nito.

“Sabi ko bakasyon lang, gaga ka! Nag stay ka doon ng three years. Huuuu!”

Natawa siya rito. “At least I am better now. Just please be happy to me.”

“Of course! I’m so happy for you, ’no! It’s just that... I really missed you Ivella! Maraming nagdrop na client kapag nalalaman nilang hindi ikaw ang magde-design ng gown or suit nila. Nalulugi na tayo.”

“Sira ka talaga!”

Alam naman niyang biro lang iyon ng kaibigan.

“Ang akala ko talaga nag-asawa ka na ng AFAM sa America, you know.” may accent pa ang pagkakasabi nito sa ‘you know’ natatawa na lang si Ivella sa kaibigan. “Kawawa naman si Ryo kapag nagkataon.”

Natigilan siya nang banggitin ni Rigor ang pangalan ng binata.

“H-hindi pa ba siya nakalabas sa navy?” medyo alanganing tanong niya.

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon