Chapter XXIV

404 10 1
                                    

Chapter XXIV - Our turn

IVELLA needs everything done as soon as possible. Hindi na niya kayang makitang muli na ganoon ang anak. Kapag natapos na niya ang lahat at nasiguro niyang nasa putikan na uli si Javier ay aalis na silang mag-ina. They will move to US for the sake of their peace. Iyon naman talaga ang unang plano noon ni Ivella, ang magpakalayo layo silang mag-ina matapos niyang maipanalo ang kaso laban sa dating asawa.

Kung hindi niya lang sana itinuloy itong paghihiganti niya, tahimik na sana ang buhay nilang mag-ina. Call her selfish but she couldn’t let go of this revenge. Kailangan niyang makitang naghihirap ulit si Javier para gumaan ang pakiramdam niya.

Inayos ni Ivella ang blanket ng anak. Mahimbing na ang tulog ni Beatriz. Alam niyang napagod ito kakaiyak. Nagulat siguro ang anak dahil sa komusyon na dala ni Henrietta sa mansyon. Everything was a mess, galit at the same time malungkot ang mga magulang niya. Imbes na kasi bumalik si Henrietta sa mansyon ay mas lalo itong naging desididong umalis.

Bumaba siya sa grand staircase, naabutan niya ang ina sa may mini bar area nila na umiinom ng red wine. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago lumapit sa ina.

“Mom, sana pinigilan niyo muna yung sarili niyo kanina. Takot na takot si Beatriz.” panimula niya sa ina.

Hindi ito nagsalita.

“Please talk to her tomorrow and explain yourself, mom. Baka matakot na ang bata sa inyo niyan.” sabi niya. Aalis na sana siya nang magsalitang muli ang anak.

“You know what, I always wanted a son.” sabi nito habang pinapaikot-ikot ang alak sa loob ng wine glass na hawak nito.

Kumunot naman ang noo ni Ivella na para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ng ina.

“A faithful and loyal son to the family. Sometimes, I am envious of Flivina.” ang tinutukoy nito ay ang mommy ng pinsan niyang si Lilith. “She have three sons. I always wanted a son. A heir to the family that can take your father’s surname.”

Natahimik si Ivella. Naiintindihan naman niya ang gustong iparating ng ina. Hindi sila madalas magkausap ng ina dahil hindi naman talaga siya malapit dito. Henrietta is the favorite child after all, plus the fact na ayaw talaga ng mga ito kay Javier noon dahil nga hindi sila parehas ng estado sa buhay.

“Your father deserve at least one son pero dahil maselan akong magbuntis, nagsettle na lang kami sa dalawang anak. Unfortunately, we had daughters instead. I’m not saying I don’t want daughters, it’s just that, I am not satisfied. It feels like, I failed as the matriarch of the family. I failed to gave your father a heir.”

“Does it matter? Dad loves you so much.”

“Of course, it matters!” bahagyang umismid ang ina. “That’s why I did everything to make your sister a perfect child. A child who will never break the rules. A child that will give satisfaction to her parents. I chose your sister because I saw it in her eyes, she’s a Roscente.” nilingon siya ng ina at mapait na ngumiti. “Compare to you, she always had that cold expression in her eyes. Kabaliktaran sayo, you are always the soft and cheeky child before kaya alam ko na, una palang, mahirap kang i-tame. You’re a hard headed kid.” she laughed a bit. “I am a failure and I didn’t want you two to become a failure like me.”

“We’re not a failure mom. Nadapa ako pero bumangon ako, that’s not a failure mom. Si ate Henrietta, pinili niya lang ang kalayaan niya but that doesn’t mean that she’s a failure. Nagmahal lang kami ma, walang mali doon. Mali lang talaga ako ng taong piniling mahalin.” she breathes out. “Sana bigyan niyo ng pagkakataon ang ate na patunayan ang sarili niya. Like what you’ve said. You raised her as a perfect child, maybe, she already chose the perfect man for her. Acceptance niyo na lang ang kulang.”

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon