Epilogue

1K 19 2
                                        

Epilogue - Sealed

NAGSIMULA simpleng pagmamahalan na nauwi sa magulong paghihiganti. Wala talagang magandang naidudulot ang paghihiganti dahil lalamunin ka lang nito ng galit at poot hanggang sa hindi ka na matahimik pa. Kung maibabalik lang talaga ang panahon, hindi na sana naghiganti pa si Ivella but that was all in the past.

Naging magulo at madugo man ang nakaraan para kay Ivella, she accepted her tomorrow with an open arms.

She was now moving forward at alam niya sa sarili niya na tapos na talaga, all of her pains and guilt washed away by the time she spends with her family.

Sana, siya na iyong huling babaeng makakaranas ng panloloko galing sa asawa.

Sana, siya na iyong huling babaeng naging mahina dahil sa lalaki.

Sana, siya na iyong huling babaeng iiyak dahil sa taong hindi naman deserving sa nararamdaman niya.

Everybody deserves happiness.

“So, kailan niyo plano magpakasal?” her sister once asked her when they were at the garden, looking at their own children while they’re playing.

“Wala kaming relasyon, ate.” sagot niya rito.

Kinunutan siya nito ng noo. Inismiran pa siya ng kapatid. “What do you mean? He’s always here. Hindi naman siya pinagbabawalan ni dad mag-overnight dito. We all thought na may relasyon na kayo.”

“He never said that he loves me.”

Natawa ito ng bahagya sa sinabi niya. “Actions speak louder than words, Ivella. I can see it, the way he looks at you.” tinapik siya nito sa balikat. “He’s a good catch. He’s very genuine. He loves your daughter, he loves you. Or are you still afraid to open your heart again?”

Umiling siya sa kapatid.

“Mabagal pala ang manok namin ni Mommy.” her sister chuckled. Ilang saglit pa ay sumeryoso ito. “I’m so glad you finally find your way of moving on, Ivella. You deserve happiness.”

“And so are you.”

Tinaasan siya nito ng kilay. “Why? I’m very much happy with my son, Leo Heinley. He’s my everything.” aniya. “Funny, kung natuloy na pinakasalan ko si Ysaac, parehas nating nakatuluyan ang magkapatid. Geez! Stress siguro si Yvanka. I never liked their mother.” natatawang anito.

Actually, she already met her once. Pinakilala siya ni Ryo sa ina nito pero halata naman ang disgusto sa mga mata nito. Hindi na naulit iyon, mas madalas pa nga sila magkita ng Tita Sienna nito – ang mommy ni Thriana at stepmom ni Ryo. She’s very kind and gentle at parang ito na talaga ang tumayong pangalawang ina ni Ryo.

Nilingon niya muli ang kapatid. “Ikaw, ate? Wala ka bang plano na makipag-usap uli sa dad ni Heinley?”

Parang natigilan pa ito sa sinabi niya. She never asked about him kasi. The last time, galit na galit ang ate niya dahil sa ‘ginawa’ ng dad nila sa taong pinili nito then pagbalik ni Ivella, nakabalik na rito ang ate niya at may anak na. She never asked her. Ngayon lang siya naglakas ng loob maging kuryoso sa nangyari dito.

“Why would I?” nagbago ang mood ng ate niya. Napuno na ito ng iritasyon. “Jeez! Ivella. You’re ruining my mood. I hate thinking about that stupid guy.” inis na sabi nito sa kaniya.

She was supposed to be saying sorry pero bigla siyang natawa sa kapatid niya. She will not ask anymore, nagiging dragona pala ito kapag tungkol sa dad ni Heinley. She didn’t want her sister to be cold at her again.

Malaki na rin talaga ang pinagbago niya at ng pakikitungo niya sa pamilya niya. She’s so grateful that they never gave up on her.

NANG araw na iyon ay nagbihis na si Ivella. Binilin niya muna sa mom niya si Beatriz. This is the time of the month. Ito ang petsa ng araw kung saan aakyat siya ng bundok o burol para magpatugtog ng music box at magtirik ng kandila. She decided, that this is the last time that she will do it. She will not forget her angel. She was just gonna free herself from ‘what ifs’ because of her lost pregnancy.

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon