Chpater III - McTrevor Siblings
MAY mahalagang meeting sa kliyente si Vella ngayon, kakilala raw ng kaibigan niyang si Rigor ang magpapagawa ng gown for debut. May ilang designs nang nakalatag si Vella para pagpilian ng possible client pero kung may gusto itong ipa-custom made design, kakayanin naman niya basta ay tatlong buwan pa bago ang main event dahil baka wala sa mga materials niya ang gusto nito. Sabi kasi ni Rigor ay medyo picky daw ang dalaga, wala pa naman ito ngayon dahil kumuha ng ilang materyales sa manufacturer.
“Girl, sige na. Sumama ka na.”
It was her friend Gia who was pestering her on her busy days. Sinabi kasi nitong may reunion ang batch nila this coming Saturday.
“Medyo busy ako, Gia. See, may client akong paparating.”
“Sige na, sumama ka na kasi? Please! Lagi ka na lang wala sa tuwing may reunion ang batch natin.”
“Lagi rin kasi nilang minamaliit ang asawa ko sa tuwing naroon ako.” batchmates din kasi sila ni Javier during senior high days, mas ahead lang naman ng dalawang taon sa edad ang asawa sa kaniya. “You know why I don’t wanna be there, hahanapin din nila si Javier kapag naroon ako, then, what’s next? Bugbog na sa insults from my family ang asawa ko, ayaw ko na pati sa kanila ay ganoon din.”
“Ang tagal mo ng nilayo ang sarili mo sa ibang tao dahil dyan kay, Javier! Ano bang pinakain niya sayo? T*ti?”
Her eyes widened. “Gia! Ang bastos talaga ng bunganga mo!”
“Sige na kasi! For sure hindi naman pupunta si Javier, and I will do everything to stop are batchmates from talking about your husband, hmm?? I miss hanging out with you!” halos magmaktol na ito.
Natawa naman si Vella. “We can hangout together naman, like karaoke or japanese resto date but not the reunion.”
Umirap ito ng pagsuko. “Sayang! Nandoon pa naman si Hanna, I think she was asking for you, parang possible client ata dahil lalaban ito sa Binibining Mutya sa November.” she was talking about their model batchmate.
Sasali ito ng Binibining Mutya? That’s a national pageant! Magandang makuha ni Vella na kliyente ang dating ka-klase kung ganoon para mas magkaroon ng exposure sa television ang mga gawa niya.
“She’s competing? Then, I’ll go. Magdadala ako ng ilang designs ng pang evening gown niya.”
Pumalakpak si Gia na para bang nagtagumpay ito sa plano.
“Really? Thank, God! Pagdating talaga sa business wala kang pinapalagpas.”
“Of course! Kailangang kumayod nang kumayod.”
“Ayy! Oo nga pala, give this to Bea. Tell her I miss her.” inabot nito ang isang box ng sikat na donuts. “I gotta go! Ibabalita ko sa gc ng batchmates natin na pupunta ka!” nakipagbeso pa ito bago umalis.
Napapailing na lang si Vella habang nakatingin sa pintuang pinaglabasan ng kaibigan. Naupo na siya sa kaniyang swivel chair at tinignan ang mga designs na ipapakita niya sa kliyente. Mostly, puro umbrella cut iyon dahil iyon naman madalas ang request ng mga client na magde-debut. Iyon muna ang ipe-present niyang designs.
Tinawagan niya saglit si Rigor para tanungin kung mayroon na ba ang mga materyales na pinapakuha niya, nakahinga ng maluwag si Vella nang sabihin nitong kumpleto lahat.
Siguro mga thirty minutes naghintay si Vella sa client niya, on time naman at office visit naman ang mga ito kaya kahit na ma-late ay okay lang, wala namang ibang schedule meeting si Vella ngayon kundi sila lang.
Pumasok ang secretary niyang si Jen kasunod nito ang client na tinutukoy ni Rigor. Bahagyang napaawang ang bibig ni Vella nang makita kung sino iyon.
It was that McTrevor? Yvanka’s lovedchild. Namukhaan kaagad ni Vella iyon dahil sa tangkad at laki ng pangangatawan nito at kulay berde nitong mga mata, katabi ng lalaki ay isang matangkad din na babae, she looks like the girl version of that man beside her, parehas na kulay green ang mga mata. Sobrang tangkad din nito!

BINABASA MO ANG
Lies in Vows
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 2 Ivella Roscente-Pragio, from the family of the most well off business tycoon-Roscente. A well established woman, the owner of Mi Bella couture. She is one of the youngest self-made millionaire in the country even before she go...