Chapter II

464 11 4
                                    

Chapter II - Half

“MOMMY, ayaw po ba ni Lola kay daddy?”

Nagulat si Vella sa tanong ng anak, nasa kwarto sila ngayon. Nandito pa rin sila sa Roscente mansion. Pinapakalma muna kasi ni Vella ang sarili bago umalis. Ayaw naman kasi niyang magdrive ng masama ang loob. Tiniklop ni Vella ang cellphone niya, she messaged Javier about the dinner nang tanungin siya ni Bea ng ganoon, kaagad niyang dinaluhan ang anak.

“Diba I told you, grandma is just... Well she’s...” she didn’t know how to defend her mother anymore!

Ayaw naman niyang maging masama ang tingin ni Bea sa mga magulang niya dahil ayaw ng mga ito ang ‘favorite person’ niya. Her favorite person is her dad, of course!

“She’s in the mood right now, Bea. Kung ano yung mga narinig mong sinabi ni grandma kanina, kalimutan mo na iyon.”

Tumango ito. “She’s really scary, she looks like Wednesday Adam’s mother.”

Natawa naman si Vella sa sinabi ng anak.

Nakarinig sila ng katok, baka si manang Rosing iyon kaya pinagbuksan niya pero laking gulat niya nang makitang si Henrietta iyon. Nilingon niya si Bea na abala na sa mga drawing books na dala nila.

“You should at least stay for dinner. Mom is always like that, anyway.”

“Sinasabi mo lang ’yan dahil hindi mo mararanasang insultihin ng sarili mong pamilya ang asawa mo because your fiance is an Araniego.”

“That’s why you should’ve married into a wealthy family then! This is your consequences of rebelling against our family.”

See? Hindi talaga sila close ni Henrietta kaya hindi na siya umasang nagpunta ito rito para i-comfort siya sa masasakit na salita ng ina kanina.

“Our family is the host of this dinner. Ano na lang ang sasabihin ng mga Araniego kung wala ka rito?”

Pumikit ng mariin si Vella.

“Did you ever consider me as a part of the family?”

Hindi ito sumagot.

“Fine. Mananatili kami hanggang dinner mamaya pero uuwi rin kami. I will not invite my husband anymore. I don’t want him to hear the insults you guys been throwing at him!”

“Good decision, then.”

Umalis na si Henrietta, muli namang binalingan ni Bella ang anak. Mukhang hindi naman nito narinig ang pinag-usapan nila ng kapatid dahil naaliw ito sa ginagawa.

She sighed. Why does her family needs to be that harsh on her? Hindi na lang naisip ng mga ito ang nararamdaman niya. Ganoon na ba ka-big deal ang pagiging mahirap ni Javier? Kapag mahirap ba ang lalaki hindi na ito pwedeng magpakasal sa katulad niya? Isa pa, buong buhay ni Javier nagsisikap ito para sa pamilya nila, para mapatunayan nito ang pagmamahal at respeto sa kaniya.

Even in her next life, si Javier pa rin ang pipiliin niyang pakasalan at makasama.

Her daughter Bea wore an apple green mesh princess dress, pinusod rin ni Vella ang buhok ng anak, while she was wearing one her winter dress collection. She ironed her shoulder length hair, nagiging wavy na kasi ito kaya madalas niya itong pinaplantsa, wala pa siyang time magpa-treatment sa salon dahil abala pa siya sa susunod na fashion show ng Mi Bella couture.

She message her husband that they will go home right after this, thankfully may client pa raw ito sa clinic.

Bumaba sila papunta sa dining area, naroon na ang mga magulang. Wala pa si Henrietta roon pero narinig na niyang dumating na ang mga bisita, malamang ay sinalubong nito ang fiance at pamilya nito.

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon