Chapter XXI - Last Laugh
Grabe! Kaya pala lagi niyang pinagtatanggol si Javier.
Naku, Vella! Mahirap talaga ang napapaligiran ng ahas.
You deserve better, Vella.
Hot topic ngayong umaga sa gc nila ang nangyari kagabi. Gia walk out after her announcement. Wala naman siyang pakialam. Ano bang ine-expect nito? She will recieve mercy from her? After all she have done to her and to their friendship? Mabuti nga at ganoon lang ang ginawa niya rito. Hanggang doon na lang iyon dahil si Javier naman talaga ang may malaking atraso sa kaniya.
Now, she will be focusing on Javier’s downfall.
Kaunti na lang, Ivella. Sabi niya sa isip.
“Mom, papasok na raw po ako sa Winsor International School sabi ni grandma. Inenroll na raw po ako doon.”
That’s an exclusive school for rich people. Funny, ayaw niyang ma-expose sa karangyaan ang anak niya pero hinahayaan na niya ang mom niya sa mga gusto nitong gawin kay Bea. Pakiramdam niya napapabayaan na niya ang anak dahil sa lintek na paghihiganting ito.
“Do you want to study there? Or gusto mo sa public school uli?”
Umiling ito. “Susubukan ko po muna doon, mommy. Kapag hindi ko po nagustuhan, next school year sa public school po ulit.”
Ngumiti siya sa anak at marahang hinaplos ang buhok nito. “We can do that, anak.” sabi niya. “Do you want here? Is grandma and grandpa good to you?”
Tumango ito. “Lagi po si grandma ang kasama ko kasi lagi pong busy si grandpa, e.”
“Hindi mo ba namimiss ang lolo at lola mo pati ang tita Jenna mo?” tukoy niya sa mga kamag-anak ni Javier.
“I’m a Roscente now, mommy. Hindi ko na raw po sila kamag-anak sabi ni grandma.”
She let out a sharp breath. Ayaw niyang ganito si Beatrice pero wala siyang magawa. Ayaw niyang may mamuong pagkamuhi sa puso nito para sa parte ng ama. Tama nga siguro si Henrietta, kung mayroon mang may mas pinaka masasaktan sa mga pinaggagawa niya, iyon ay ang kaniyang anak. She sighed. She will explain everything to her once she’s old enough. For now, she just couldn’t let this go. Masyado siyang dinurog ni Javier.
Hindi naman madali ang lahat para sa kaniya.
Sa mansyon siya nagtanghalian nang araw na iyon. Hindi siya pumasok sa opisina. Pakiramdam niya kasi ay ang bigat bigat ng katawan niya ngayon. May mga times na ganito talaga siya, maybe because she has a lot of this to carry.
Si Bea ay sa silid nito nananghalian dahil may tinatapos daw itong painting. She was too busy with her new hobby.
“Ikakasal si Gia sa ex-husband mo?” ang dad niya ang nagtanoong noon. May diin na naman sa pananalita nito.
Hindi siya sumagot. Siguro ay kumalat na rin sa circle nito ang kasal nina Javier at Gia dahil nga sa ginawa niya kagabi. Naging hot topic iyon ng batch nila at ilan sa mga iyon ay anak ng mga negosyante rin kaya hindi malayong makarating sa dad niya ang balita. Hindi lang ganito kabilis.
“She’s one of his women? Tsk.” sabi pa nito. “Ano ba ang mga taong nakapaligid sayo, Ivella?”
“Ako na bahala sa kanila, dad.” sagot na lang niya. “Kumusta po ang bank accounts niya?”
Her father scoffed. “Ang gago, may tinagong pera sa Malaysia. Siguro ay nakinita na niya ang balak kong gawin. Mukhang planado niya talaga ang lahat bago kayo mag divorce. He only has a few millions in his Philippine bank account. Nasa Malaysia ang pera niya.”

BINABASA MO ANG
Lies in Vows
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 2 Ivella Roscente-Pragio, from the family of the most well off business tycoon-Roscente. A well established woman, the owner of Mi Bella couture. She is one of the youngest self-made millionaire in the country even before she go...