Chapter VI

595 13 3
                                        

Chapter VI - Pity

MIYERKULES ng hapon, pagkatapos sunduin ni Vella ang anak mula sa school ay dinala niya ito sa opisina, marami kasi siyang ginagawa ngayon kaya hindi niya maharap na iuwi muna ang anak sa bahay, baka gahulin siya sa oras. Javier was supervising the making of the shelter kaya hindi rin nito nasundo ang anak, nag-usap naman sila na siya na lang ang kukuha kay Bea. Nakabakasyon kasi ang kasama nila sa bahay kaya wala talagang available na magsusundo sa anak kundi siya.

Mabuti na lang at tahimik ang anak na nakasalampak sa carpet habang nagda-drawing sa drawing book nito kaya hindi naman ito naiinip habang abala si Vella sa pagpa-finalize ng designs para sa mga kliyente niya.

“Iyong mga beads and other materials na kailangan, dumating na ba ang deliver?” kausap niya sa kabilang linya ang isa sa mga staffs niya.

“Hindi pa po.” sagot nito sa kabilang linya.

Napahawak si Vella sa pagitan ng kaniyang kilay ay marahang minasahe iyon. The delay of her raw materials is stressing her out! Marami siyang kailangang matapos na gown kaya nagmamadali na ang team niya! Ayaw niyang magahol sila sa oras dahil kilala ang couture niya sa pagiging pulido ng pagkakagawa ng mga gowns!

She will not risk ruining her brand because of that stupid delays!

“Okay, maghanap na muna kayo ng alternative supplier ng mga kailangan nating materials, kapag hawak mo na ang sample, saka ako pipili.” aniya.

“Noted po, ma’am Vella.”

“Okay. Nag lunch na ba kayo? Alas tres na kaya bumili muna kayo ng snacks niyo.” paalala niya.

Nagpasalamat naman ito bago pinutol ang tawag. Pumikit ng mariin si Vella, for sure, she looks so haggard right now. Nilingon niya ang anak, kumakain na ito ng cookies sa sofa habang nanonood sa youtube, mukhang nanawa na ito sa drawing book nito.

Tumayo si Vella at nilapitan ang anak. Tumabi siya sa sofa.

“Are you hungry? Do you want something else than that?” she asked her gently.

Bea shook her head, her eyes are still fixed on what’s she’s watching.

“You’re not bored? Gusto mo ba ihatid kita kila lolo?” tukoy niya sa ama ni Javier.

Doon na siya nilingon ng anak. “I know you’re busy, mommy. Wait ko na lang po si daddy, siya na lang po maghatid sa akin kila lolo.”

Pero mamaya pa ang punta ni Javier dito sa office niya dahil nga marami rin itong inaasikaso.

“Don’t mind me, mom. I’m fine.” dugtong pa nito.

She smiled at nodded. She caressed Bea’s face and kisses her chubby cheeks.

“Love you! Tell me if you’re bored, ’kay? Ihahatid kita kila lolo.”

Tumango ito.

Eksaktong pagtayo ni Vella ay siya namang pagpasok ni Gia sa pinto ng office niya nang wala man lang katok-katok. May dala itong isang basket ng white roses at wine. She was pouting when she saw her.

Bumuntong hininga si Vella.

“I’m sorry.” she said, still pouting.

“What are you sorry for? Hindi naman ikaw ang nang-insulto kay Javier.” hininaan niya ang huling sinabi para hindi marinig ng anak, lumakad siya hanggang sa mesa niya, sinundan naman siya ni Gia.

Nilapag ng kaibigan ang dala nitong basket ng bulaklak at wine sa tabi ng mesa. Umupo ito sa tapat na upuan ng mesa niya.

“Hi, sweet Bea!” kumaway ito kay Bea.

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon