Chapter XXX

706 18 2
                                        

Hi ~ this is gonna be the last chapter then epilogue.

Chapter XXX - I'll stay

NANGINGINIG ang laman ni Ivella habang papasok siya sa hospital room ni Javier. Ito talaga ang una niyang pinuntahan dahil sa isip-isip niya ay kailangan niya ng tapusin ang lahat. Kasi kung hindi, paulit-ulit lang na iikot ang lahat. She will get revenge and so he is, hanggang sa parehas na silang maubos na dalawa.

Mabuti nga at napakalma ng mom niya ang ate Henrietta niya. She really wanted to smacked Javier’s face. Galit na galit ang ate niya at hindi naman niya ito masisisi dahil nadamay silang mag-ina sa gulong pinasok ni Ivella.

Ganoon din ang mga magulang niya at pati na rin si Beatriz. And then, Ryo...

Ayaw na ni Ivella na may madamay pa sa gulo nila ni Javier kaya sa tingin niya. Ito ang dapat niyang gamit.

May kasama siyang dalawang pulis sa loob ng silid. Nakatayo ang dalawa sa may pinto. Lumabas din naman ang mga ito nang mapansin na kailangan niya ng privacy. Alam naman niyang nasa labas lang ng pinto ang dalawa.

Bumaling siya kay Javier, one of his hands was cuffed connected to the railings of the hospital bed. Hindi naman napuruhan si Javier, daplis lang sa hita at braso ang mayroon ito kaya naabutan niya pa itong gising.

He wasn’t looking at her. Nasa labas ng binata ito nakatanaw.

“Look at me, Javier.” aniya. “Tignan mo ang babaeng paulit-ulit mong sinisira... Ang babaeng paulit-ulit mong dinudurog.” namuo ang luha sa kaniyang mga mata.

“And look at the man you ruined, Ivella.” malamig na anito. “Leave me alone.”

“We both loved each other but look at how that love ended us. Hindi ako ang nagsimula, Javier. In the first place, when we were married, I was never your rival.” nanginginig si Ivella, sa galit at sa lungkot habang inaalala ang nakaraan nila. “I loved you. I even choose you against my parents. Pinaglaban ko kung ano ang mayroon tayo. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako nagawang gaguhin at lokohin ng ganun? Ano bang naging kulang? Anong naging dahilan? Hindi ba’t iyon naman ang puno’t dulo ng lahat ng ito? Hindi ka nakuntento sa akin. You were never satisfied with me, is that why you went from another woman to another? You even slept and impragnate my best friend just to ruin me.”

Hindi sumasagot si Javier sa mga tanong niya pero kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito na para bang pinipigilang lumabas ang mga luha sa mga mata pero bigo naman ito dahil mabilis na kumalas ang mga luha nito.

“We were once a perfect family. Pero anong nangyari? Imbes na kakampi at katuwang ang tingin mo sa akin, tinuring mo akong kalaban. Was it because I earned much more money than you? Was it because I am a daughter to a business tycoon? Or was it because, I was the sole reason why you had your liscense and diploma?”

“I never asked you to help me, Ivella.”

“But it was my choice to help you!!” she yelled at him.

“I never asked for that!” balik sigaw nito sa kaniya. Pulang pula talaga ang mukha nito, hindi niya alam kung sa galit ba iyon o ano. But he was crying. “I never asked you to pay for my tuition! I never asked you to help my father’s small business! I never asked you to help me while I’m starting my clinic! I never asked you anything, Ivella! Why do you need to help me?! Kase, hindi ka bilib sa akin! Wala kang tiwala na kaya kong magtagumpay! You don’t trust my insights! Paulit-ulit mong tinatapakan ang pagkatao ko!”

Ramdam na ramdam niya ang frustrasiyon sa pananalita nito. Pakiramdam ni Ivella ay may bumara sa lalamunan niya. Ang bigat sa dibdib.

“That’s not true...” nanginginig ang kaniyang kamay na tinakpan ang kaniyang bibig dahil pakiramdam niya, anytime, hahagulgol siya. “I did that out of duty. I did that because I am your partner... I am your wife... I did all of that out of love... Bakit kailangan mong masamain? Bakit kailangan mo akong gaguhin?”

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon