Chapter XXV

533 14 3
                                        

Chapter XXV -  Period

BINABA ni Ivella ang hawak niyang iPad. Kunot na kunot ang kaniyang noo. Kababasa niya lang sa article na nawawala umano ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa Zambales at sigurado si Ivella na si Javier iyon. Ang unang conclusion ay pinakidnap ito ng kalabang partido pero tumanggi ang mga ito sa akusasyong iyon but still, nasa kanila pa rin ang sisi pati ang pagkalat ng maseselang videos ni Javier.

This is why everything needs timing. Hindi mapaghihinalaan si Ivella na siya ang nagpakalat ng videos na iyon dahil tumatakbo si Javier, meaning, maraming kalaban at maraming pwedeng makaaway dahil madumi ang pulitika.

She also knew for a fact na hindi ang kalabang partido nina Javier ang dahilan kung bakit ito nawawala. She’s not sure about it but nahahalata niyang panay umaalis ang kaniyang daddy sa mansyon, tatlong araw ng ganoon ang ama.

“Mommy, saan ka pupunta?” Beatriz tugged the hem of her blouse.

Nilingon niya ang anak. “Kakausapin ko lang si grandpa mo, mmkay?”

“Mommy, si grandma, laging malungkot. Kapag hindi po siya galit, malungkot po siya.” nakalabing anito.

Tinitigan naman niya ang anak. Naawa siya kay Bea dahil mukhang apektadong apektado ang anak sa mga nangyayari sa mansyon. Hindi pa rin kasi bumabalik si Henrietta.

“Try comforting grandma, okay?” marahang hinaplos niya ang pisngi ng anak. “Go, ahead. Grandma is in her room.”

Tumango ang anak, sinamahan ito ni Manang Rosing papunta sa silid ng ina. Samantalang si Ivella naman ay nagmamadaling bumaba mula sa second floor dahil narinig niyang paalis na naman ang ama.

“Dad! Daddy!” habol niya sa ama.

Mabuti na lang at hindi pa ito nakakasakay ng sasakyan. Humahangos na tumayo siya sa harapan nito. Kunot ang noo ng ama.

“Why are you running like a kid, Ivella?”

“Dad!” nagbuga siya ng hangin dahil parang kinakapos siya ng hininga. Dapat ay hindi na siya tumakbo pa. “Saan ka pupunta?”

“Just act fool, anak. Ako na ang bahala sa lahat.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Baka mapahamak kayo sa ginagawa niyo, dad!”

Ngumisi sa kaniya ang ama. “Why would I? Kasama ko ang mga kuya ko.” buong pagmamalaking anito.

Her Uncle Pantaleon and her Uncle Louis Francisco?! Oh my god!

“They wouldn’t miss the fun, anak. Don’t worry.” sabi sa kaniya ng ama. “I’m sorry for all the pain that we’ve cost you to lose everything.” hinawakan ng ama ang kaniyang braso. “This is all I could do for you, Ivella. Don’t play dirty anymore. Hindi bagay sayo, anak.”

“Daddy...” naiiyak naman si Ivella sa sinabi ng ama. “Let me see him once more.”

Umiling ang ama. “Not now, hija.”

Tumango siya at hinayaan na ang amang umalis. She had an idea what will they do to Javier she just hope that they wouldn’t kill him. She didn’t want her father to be a murderer just because of her.

Hindi naman ganoon ang pamilya nila. They have flaws and she knew that. Siguro ay tatakutin lang ng dad at mga Uncles niya si Javier.

Pinagpatuloy ni Ivella ang araw niya. Pumasok siya sa trabaho at inabala ang sarili sa mga designs ng gown niya. Pakiramdam niya ay unti-unti nang bumabalik ang lahat sa dati. Maybe because she’s almost satisfied with whatever happening to Javier right now.

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon