Chapter V

588 12 1
                                        

Chapter V - The Reunion

“KAILANGAN pa sigurong i-adjust ito. But your debut is three months from now, another fitting pa ang gagawin natin a week before your big event.” si Rigor ang nagpapaliwanag kay Triana McTrevor habang sukat nito ang kulay gold na gown. Tisay na tisay ang dalaga sa kulay na iyon, hindi tuloy maiwasan ni Vella na mamangha, natural kasing maganda ang batang McTrevor.

She would pass as a model!

Someone cleared his throat, doon lang napabaling si Vella, sinusukatan niya nga pala si Thryon dahil nakapili na itong suit na ipapagawa.

“Sorry about that, your sister is very pretty.” papuri niya.

“She get that from tita Sienna for sure.”

“Really?” hindi naman niya personal na kilala ang tinutukoy nito. “How’s your dog by the way?”

“He’s doing good.”

“Kung may kailangan pa siya, especially kung may medical concern pa, don’t hesitate to contact me, Mr.... McTrevor.”

“Ryo.”

Nag-angat siya ng tingin. “Hmm?”

“Call me, Ryo. My surename is uncomfortable.”

Huh? Why, tho?

Tumango na lamang si Vella sa binata. Pinataas niya ang dalawang braso nito para masukatan niya ang pa-ikot ang dibdib nito. Her hands brushed through his muscled back until his sturdy chest. Sa hindi malamang dahilan ay nailang si Vella. Matagal na niyang ginagawa ang ganitong klaseng trabaho, lalo na sa malalaking kliyente, siya mismo ang kumukuha ng measurements at hindi ang team niya pero bakit iba ang pakiramdam ngayon? Naiilang siya.

“I think we’re done.” she cleared her throat.

Mabilis na tumalikod si Vella.

“Hey, brother! What do you think?” Triana runs toward her brother, sa bigat ng gown na iyon, nakaya pa nitong tumakbo. “I look like a princess!” umikot pa ito ng mabilis.

“You are a princess, Triana.”

She smiled upon hearing that. He was very sweet with his little sister kahit na hindi naman parehas ang ina ng mga ito. She finds their relationship interesting, lalo na’t may iba pa itong mga kapatid sa ama. How does it feels to have siblings on different mothers?

She’s sure it was hard. Sana ay hindi iyon maranasan ni Bea but she knows that Javier would never betray their family. They love each other so much to just ruin it.

“This is a formal invitation for my big day.” sabay abot sa kaniya ng isang pulang envelope. “I hope you can come.”

“Oh! Thanks for inviting me. I will make time.”

Though she’s really not sure if she could make her time, may naka-line up pa kasi siyang limang projects para sa night of the artists three months from now. So, magiging hectic talaga ang schedule niya sa araw na iyon but papayagan naman niyang pumunta si Rigor, that’s her friend’s daughter!

Vella got ready when the clock ticks at six o’clock. Nagpaalam na siya kay Rigor dahil may pupuntahan siya ngayong gabi. May dinner sila ng mga batchmates niya para pag-usapan ang nalalapit na reunion, parang mini-reunion na rin ang mangyayari pero iilan lang ang makakapunta ngayon. Mostly, mayayaman dahil sa isang high end hotel and restaurant sila magdi-diner.

Hindi na umuwi si Vella para magpalit. Her dior long black wavy skirt and her channel white printed shirt will do and of course, her Jimmy Choo sandals. It looks simple but very expensive.

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon