Chapter XXVI

474 12 0
                                    

Chapter XXVI - See you again

THINGS are getting fine now after that day, wala ng naging balita si Ivella kay Javier o sa kung anong ginawa ng ama matapos iyon. Basta umuwi na lang ang ama at sinabi nitong wala na siyang dapat pang ipag-alala. He also cleared that he didn’t kill Javier like what she wanted. Nakahinga naman siya ng maluwag doon. Gusto niyang malasap ni Javier ang paghihirap na dapat dito. Well, wala naman na ngayon kay Ivella iyon. Tahimik na ang buhay niya at alam niya sa sarili niya na kuntento na siya sa kung saan umabot ang nais niyang paghihiganti.

She was planning to move in US by the end of the month. Ready na ang papers nilang mag-ina. Hindi man aminin ng mom niya ay mukha itong malungkot na aalis sila ni Beatriz, hindi pa rin kasi bumabalik ang ate Henrietta niya hanggang ngayon. Wala na yata itong planong bumalik.

Their parents aren’t perfect but now she understands them. They did that to protect them kahit na sa tingin nila ay mali iyon. Iyon din siguro ang nararamdaman ng ate niya ngayon. She hopes that everything will be fine for her someday. She was rooting for her happy ending.

Wala na rin siyang naging balita kay Gia matapos ang pagsugod na ginawa nito sa kaniya kasama ang kapatid ni Javier. Siguro ay nasa ibang bansa na rin ito to take a break from everything that happened. Javier’s family on the other hand, remained silent. Siguro ay nasa poder na ng mga ito sa Javier kaya nanahimik na.

Mabuti na iyon para kay Ivella. Sa layo ng estado nila sa buhay, masisiguro niyang hindi na lalapit ang mga ito sa kanila. Her father tortured Javier that much to make sure that he’s not gonna have his chance to be near them again. Imposibleng magpakita pa rin ito sa kanila. He’s impotent right now, hindi na ito makakalabas pa sa lungga nito dahil sa kahihiyan.

Naging magulo man ang mga pangyayari, masaya si Ivella na natapos na ang lahat.

“Do you wanna go shopping today, anak? Gusto mo bang mamili ng mga dadalhin natin sa US?” she was kneeling in front of her daughter para mapantayan niya ang height ng anak.

Umiling si Beatriz sa kaniya. “Sasamahan ko na lang po si grandma. Mag-aayos po kami ng mga jewelries niya, mommy. Kahapon po pinakita niya sa akin yung mga gold bars niya! Sabi niya, bibigyan niya raw po ako pag eighteen na ako pero sabi ko po hindi ko naman po iyon makakain.” kumikislap ang mga mata nito habang nagku-kwento. “Marami pong gold si grandma pero malungkot pa rin siya. Buti pa po tayo noon kina Daddy, kahit wala po tayong gold masaya po tayo.”

Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi ni Ivella. Hindi niya alam kung kailan masasanay ang anak niya na kailanman ay hindi na sila babalik kay Javier at hindi na niya ito makikita. Ayaw naman niya kasing biglain si Beatriz, ang gusto niya ay kapag handa na itong malaman ang totoong nangyari sa pagitan nila ng ama nito, saka niya sasabihin.

Hinawakan niya ang anak sa magkabilang braso. She was gently stroking her little arms while looking at her eyes with so much love.

“Your dad and I have broken up, Beatriz,” panimula niya.

“I know, mommy.” she pouted. “Kaya nga po Roscente na ang apelyido ko at hindi ko na po nakikita si Daddy.”

How old is her daughter again? Bakit parang ang bilis nitong nagmature?

“Nagkasakitan kami ng dad mo and forgiveness is out of option, anak. I know that’s bad, sana ay maintindihan mo na hindi na kayang patawarin pa ni mommy ang dad mo.” saad niya. “I can be your mom and at the same time, your dad, Beatriz.”

Marahan itong tumango sa kaniya. “I love you, mommy.”

“Oh, sweetpea! I love you too.” she hugged her tightly.

Lies in VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon