Chapter XXIII - Promise
ACCORDING to Dante – her father’s aid – umpisa na nang pangangampanya. Ilang buwan na rin pala ang nakalipas at election period na pala. Meaning, the time is right for Ivella’s most awaited revenge. Tulad nga ng hinala nila ay tumakbong konsehal si Javier sa probinsya nina Gia. Hindi na sila madalas sa Metro. Pinasusundan pa rin ni Ivella ang galaw ng dalawa kaya updated siya. Sabi pa nga ng mga tao ng dad niya ay mukhang maraming supporters si Javier sa lugar na iyon at malakas ang laban nito.
Sa hindi malamang dahilan ay naurong ang kasal ng dalawa. Ang akala niya nga ay nagkakamalabuan na sina Gia at Javier but Gia gave her all out support to her fiance’s campaign.
Ilang buwan ding nanahimik si Ivella para sa araw na ito. May grand campaign daw ang partido nina Javier ngayon at ngayon niya rin ilalabas ang unang ganti niya kay Javier.
Ito ang umpisa ng pagkawasak ng lalaking sumira sa kaniya.
Pumunta siya sa rally ng partido nila Javier. They’re white and blue shirts, iyon yata ang campaign color nila. Humalo si Ivella sa madla. Natamaw niya si Javier at ngiting ngiti ito habang kumakaway sa madla. Nang-iinsultong napangiti naman si Ivella. Sige lang Javier, smile until you can.
Today is gonna be the end of you.
Namataan niya rin si Gia na talaga namang all out support sa ‘fiance’ nito. Nakita rin ni Ivella ang mga Guico’s isang pamilyang kilala sa pulitika. Ito yata ang tatakbong governor sa probinsyang ito.
Nagsimula ang campaign rally. Kaniya kaniyang mga speech ang mga candidates, hinintay talaga ni Ivella ang oras ni Javier. At nang ito na nga ang magsasalita sa malaking entablado ay inilabas ni Ivella ang kaniyang cellphone. She dialled someone’s number and put her phone to her ear.
“Do it, Dante.” utos niya.
Iyon lang ang sinabi niya at ibinaba na niya kaagad ang tawag. Ilang saglit pa ay sumisigaw ang tao dahil sa mga pangako ni Javier. Moments later, biglang natahimik ang arena. Ang ilang supporters ay nagsimulang tumingin sa mga phones nila.
Napangisi naman si Ivella nang makita niyang halos lahat ng tao roon ay nakatingin sa mga cellphones nila at nagsimulang magbulong-bulungan.
She leaked the video of Javier’s rendezvous with his clients. Five different videos lang iyon. Hindi niya nilabas ang lahat at kinover niya pa ang mukha ni Javier. Remember, he had files and videos? Napasakamay ni Ivella ang mga bagay na iyon na akala ni Javier ay na seize ng mga prosecutors.
“Oh my god?!”
“Uy, parang si Counsilor Pragio.”
“Hala, totoo ba ’to?”
“Kadiri naman.”
“Diba kasal yan dati?”
Ilan lang iyan sa mga bulung-bulungan na nabalot sa campaign rally na iyon. Sinuot ni Ivella ang sunglasses niya ng may ngisi sa mga labi. Bago siya umalis ay tinanaw niya muna si Javier na nakatayo pa rin sa stage habang hawak ang cellphone nito. Tila nawalan na ng kulay ang mukha nito dahil siguro nakita na rin nito ang pinakalat niya.
Hindi pa siya tapos.
How can he think, he can serve this province with that kind of dirty attitude?
Muli siyang ngumiti at saka tumalikod. Naglakad na siya paalis doon. Hindi lang sa social media niya kinalat ang mga videos nito pati sa mga kilalang pornsite para hindi ito ganoon kadaling manipulahin at burahin.
Nilabas na ni Ivella ang unang baraha niya. Ano na ngayon, Javier?
“Ivella,”
Natigil siya nang makita si Ryo na nakatayo sa kulay red nitong ferrari. Tinanggal niya ang sunglass niya.

BINABASA MO ANG
Lies in Vows
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 2 Ivella Roscente-Pragio, from the family of the most well off business tycoon-Roscente. A well established woman, the owner of Mi Bella couture. She is one of the youngest self-made millionaire in the country even before she go...