Chapter 33 OH NOOOO

14 0 0
                                    

LOUIE POV



"Par! Asan ka? Hinahanap ka ni coach!" tanong sa akin ni Patrick sa cellphone

"Nasa emergency ako. Baka hindi na ako makapasok this day pero try ko parin dumaan dyan."

"Sigurado ka par? Sige sige." then I hang up the phone.



Ilang oras na akong andito sa bahay ni Jasmine. Kada 10 minutes umaakyat ako para mapunasan sya at buti naman umeepekto.

San ko natutunan yun? Dun sa lola ko sa probinsya. Kapag nilalagnat ako,pinupunasan nya ako tapos magkukuwento pa yun ng kung ano-ano para hindi ko mapansin ng konti yung sa lamig nung tubig na pinupunas sakin.



11:30 na kaya nagsandok na ako ng makakain namin ni jasmine para hindi na sya bumaba pa.



"Jasmine papasok ako. Dala ko na yung pagkain mo."


Nakahiga parin sa kama nya si Jasmine at tulog na tulog.

"Jas. Gising ka muna dali. Kain ka muna ng tanghalian para makainom ka na ng gamot" 


"Hmmm.." gumalaw papuntang gilid



"Jasmine gising na"


"Hmmm." gumalaw naman sa kabila



"Oy Jasmine." uga ko ulit



"Hmmm?"



"Kain ka na muna"



"Ha?"


"Di ka bingi,may lagnat ka lang. Sumandal ka bilis. Susubuan kita"

"Masarap ba yan?"


"Di tikman mo! Bilis na oh"



"Bat galit ka?"



"Di ako galit. Dali na. Oh." 



Pagkatapos nyang kumain, pinainom ko na sya ng gamot.



"Bat ang bait mo? Di ka naman ganyan dati ah?"



"Eh bat andami mong tanong?"



"Ako unang nagtanong. Sagutin mo!"



"Mabait naman ako dati pa. Sadyang manhid ka lang talaga" then I shut the door and leave.









HERSHEY POV







Putek. Kailan ba ako titigilan ng gagong si Terrence at yung mga fan girls nya na kung makatingin sakin parang pinapatay ako? Bwisit!



"Pumayag ka na kasi hershey please? Kahit 1 month lang? I'll just take a revenge. Please?"



Andito kami ngayon sa hallway. Naglalakad ako bigla nalang sumulpot. Akala nya titigil ako? Pwe. Magtae sya!



"Ilang beses ko bang sasabihin sayong ayoko ha? Gusto mo bang dagdagan pa natin yang sugat mo sa noo? Tabi nga!"



"Eh bakit ba ayaw mo? Akala ko ba tutulungan mo'ko? Akala ko ba pag nangailangan ako tutulungan mo'ko?"


Medyo napikon ako kaya tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya


"But not in this way! Mag isip ka nga terrence please? Wag ako. Iba nalang. Tutulungan pa kita" tapos umalis na ako.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and My Mr. CoatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon