Chapter 21 - CodeName
Hershey POV
"I tried to call you pero hindi kita ma-contact. Tumawag naman ako sa bahay nyo kaso ang sabi wala ka pa daw dun. Kaya naisip ko na bumalik sa campus. At buti andito ka pa, pinag-alala mo ako bes!" atungal ko.
"Sorry bes.Lobat phone ko eh."
"Oh? Eh bakit hindi ka pa nakakauwi?"
"Na-istranded kami sa lakas ng ulan eh."
"Weyytt! KAME? Wag mung sabihing - kayong dalawa "LANG" ang na-istranded dun?"
"Pwede bang sumakay na tayo sa sasakyan nyo? Ang lakas lakas ng ulan o? Sa bahay mo nalang ako interview-hin. Dun na ako magpapasundo kay manong."-Jasmine
Kaya pumasok na kami sa sasakyan namin. On the way long, nakatingin lang si jasmine sa window habang ngumi-ngiti-ngiti.
Tiningnan ko kung may nakakatawa ba syang nakita pero wala naman? ANONG MERON?
"Bes? Anyare sayo? Kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan?"
"Ha? Wala. 😊" then she smile again like an IDIOT 😑
"Wala?! (Hinarap ko yung mukha nya saken)Eh ano yan? Bat namumula-mula ka? Kanina pa yan ah? Bago tayo sumakay! Dinaig mo pang binato ng kamatis!"
"Ha?😊"
Then she touch her face and again and again she smile.
Ano bang nangyayare dito?
"OY! Mag sabi ka nga sa akin? Anong nangyare sayo ha?! Tsaka bat magkasabay kayo ni Francis?"
"Parehas lang kaming na-stranded sa building natin😊"sagot ni jasmine pagkatapos tumingin ulet sya sa bintana at...NGUMITI ULIT! 😑
Hinayaan ko lang. Baka ito na yung baong side-effect ng ulan,nagiging LUKARET.
Habang nasa sasakyan napansin ko yung jacket na nasa balikat ni Jasmine. Papano kasi feel na feel ba yung jacket kung maka-amoy at yapusin akala mo coat eh simpleng leather jacket lang naman—
"Teka? That jacket is so familiar! Hmmm?....I saw it once and sa pagkaka-ala-ala ko, kanina ko lang yan nakita. Hmmmmm??.....At sa pagkakaalam ko, wala kang ganyang jacket kasi panglalaki yan, tsaka..(inamoy ko yung jacket) pamilyar din yung amoy."
"OMGEEE! Dont tell me galing yan kay Francis?"
Bati na sila? But how?
Hindi parin sya umimik bagkos ngumiti lang sya.
"HADOOOY. Bopissss, Fishball tsaka betamax sawsaw sa maanghang na sawsawan! Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan? Tsaka look at yourself oh? Nagblu-blush ka na naman!"
Parang nangangamoy pegebeg!
"Luh? Pahiram nga ng salamin!" binigay ko naman agad yung maliit na salamin ko sa bulsa at tiningnan nya yung mukha nya sa salamin
"Oh?Ano yan?!"
"Ha? Wala nga sabe. Wala lang to😊"
"Magsasabi ka ba ng totoo o magsasabi ka ng totoo?ISA!"
"😊😊😊😊"
"JASMMEEEEEENGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!"
Tapos binigyan ko sya ng isang GUSTO-MO-NG-BATOK Look!
"Eh ganito kasi.."Then she spill it out
Habang kini-kwento nya kung papano at bakit sya na-stranded dun at kung bakit napapunta sa kanya yung Jacket ni Francis.
Ge.Ge na! Kinikilig na ekes!
Lalo na dun sa part na inaharana daw sya ni Francis sa may hagdan? Tsaka nung sinuotan sya ni Francis ng Jacket! Wengya. Haba ng buhok ng friend ko! And halata rin naman kay Jas na kinikilig sya kasi abot ngala-ngala yung ngiti nya habang nagku-kwento tas namumula pa!
HAHAHAHAH! LAM NA DIS!
"Owssss? Ginawa SLASH Sinabi nya lahat yun?"I asked and um-oo lang sya
"Oh?Eh bat ganyan ngiti mo? Kinikilig ka noh?"
"Luh? Hindi no!"
"Asus! Eh ako nga papatayin na here sa kilig habang KINIKWENTO mo LANG, eh what more pa kaya kung live ko yan napakinggan? Baka dinaig ko pa yung may epillepsy sa sobrang kisay dahil sa kilig!"
"Mukha nga!Hahaha!"
"Kung maka-mukha ka dyan ah? Parang di sya halatang kinikilig kanina nung kinikwento nya!"
"Alam mo Jasmine may napapansin ako sayo."
"Ano nanaman yun?"
"I think you starting to like Francis"
Panigurado itatanggi nya to!
"Luh?Hindi n——ha? Ewan! Di ko alam. Di ko talaga alam"
ARUUUYYY!! Babaeng sinapian ng kung ano at sa tagal-tagal na nilang magka-klase ngayon lang nya napansin si Francis. Ngayon lang din kasi nagpapansin si Francis.
"Kaya pala....Sinabi na nga ba eh! Dati ko pa yan napapansin sayo! Si JASMINE may gusto kay FRANCIS! Si JASMINE may gusto kay FRANCIS! Si JASMINE tas si FRANCIS! HAHAHA!"
"LENTEEKKK na babaeng to! Tumahimik ka nga!"
"Tongakss! Kahit magsisigaw ako dito walang makakarinig dahil nasa loob tayo ng sasakyan remember? NAINLAB LANG NAGING TANGA NA AGAD? YUNG TOTOO?!"
"Kahit na! Tsaka di pa naman ako sigurado na gusto ko sya. Maybe nadala lang ako kanina. Tapos ikaw naman, ipagkakalat mo naman!"
"Sure sabi mo eh!"
Pero binigyan nya ako ng GUSTO-MO-NG-BATOK Look.
"Kaw ha! Di kana mabiro! Porket binigyan ka ng jacket ni Fran-"
"Huwag mu ngang banggitin yung pangalan! Kahit kelan talaga you don't know when to stop!"
"Oh! Sorry bess! Chill! Relaksss! Oh sige tutal ayaw mo ipabanggit pangalan nya, lets put him a code name nalang"
"Code name?"
"Pa-ewan ka pa dyan eh! Alam ko namang alam mo kung anong ibig sabihin ko!"
"Alam ko shunga! I mean anong code name?"
"Hmmmm??....F-R-A-N-C-I-S...hmmm??"
Tumingin ako kay Jasmine. Fli-nash-back ko lahat ng kwinento nya sakin kanina. Wala parin akong maisip na magandang codename! Maya maya napansin ko yung jacket ni jasmine.
"Tama! Your jacket,I mean HIS jacket! What of Mr.Jacket?"
"Wag yun! Ang panget pakinggan! Tsaka mahahalata agad kasi nga diba sya yung nagbigay ng jacket?"
Oo nga no! Sorreee.
"Alam ko na! Tutal sya naman ang nagsuot sayo nyang jacket na yan na feeling coat...Alam ko na kung ano itatawag!"
"Ano na naman?"
"Mr.Coat! You and you're Mr.Coat!"
Oh diba? Sounds great!
"Mr.Coat? Sounds right! Me And My Mr. Coat 😊"
----------------------------------------
May 22, 2015
Last Edit : January 3, 2018
~ All rights reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the Author. PLAGIARISM is a crime.
Note : Any resemblance of person, place or events are purely coincidental. Patnubay ng mga MAGAGANDANG TULAD KO ang kailangan sa mga mambabasa!BHWUAAAHH!
© 2015 | SiAuthorNgPageNato
BINABASA MO ANG
Me and My Mr. Coat
Teen FictionHI SO UNDERCONSTRUCTION PO YUNG IBANG CHAPTER NITO KASI SYEMPRE 15 YEARS OLD ME ANG NAGSULAT NITO HAHAHA gusto ko sanang burahin kaso dahil nga "batang ako" nagsulat nito, memories narin siguro. I really don't know if maayos ko pa to or what but heh...