CHAPTER 7 - SILI NA NAGING SITAW
STILL JASMINE POV
"Eh bakit nga ba wala kapang girlfriend? Eh halos lahat nga ng babae dito sa campus may gusto sayo?"
Hindi nya ako sinagot for 1 minute at tumingin sya sa akin.
"May hinihintay pa kasi ako.." sagot nya sa akin na mukhang seryosong-seryoso
"Hinihintay? yess naman! Pa-dali ka pa talagang ganu ha! Sino naman? Bat di mo na sinasabi ha?! "Nagsasabi kasi sya sakin lagi. Childhood bespren kami nun e.
"Kumain ka na nga lang dyan! Andami mong sinasabi."
At yun syempre kumain na ako ,gutom na ako eh. Tsaka halatang ayaw nyang sabihin. Baka masyadong personal kaya hindi ko nadin pinilit
Rice with bicol express rin yung ulam nya gaya din nung saken kasi halos parehas kami ng fave nun manggagaya kasi yun eh! Kaso ang iba lang eh lagi sya may pepsi in a can tuwing meal so ew. Hahaha
"Louie, nagtataka lang ako. Kailangan ba talaga may pepsi pag kumakain? Napansin ko kasi na pag kumakain ka laging may pepsi."
"WAG MONG SABIHIN PATI PEPSI EH BAWAL NADIN HA?! BAKIT NANAMAN BA HA? ANONG MASAMA DITO?!"
Tingnan mo nga tong lelekeng to. Matalino ba talaga to? O niloloko lang tayo neto? Asar 😒
"T@NGA KA BA HA?! Masama ang laging nagso-soft drinks! Use your mind not your foot, kiddo!"
"Tss.."
Habang kumakain ako..napansin ko na parang may..
"WHUAAAA! MAY SITAWW! SITAW MY LABSS! SA WAKAS NAGPAKITA KA NADIN!"
Di naman ako masyadong excited para sa sitaw,pero once in a blue moon lang magkasitaw sa bicol express dun sa canteen namin. So syempre excited na excited ang lola nyo kaya ayun tinusok ko lahat ng sitaw dun sa ulam ko at sinubo ko lahat ng yung sa bunganga ko.
Maya maya pa habang ninanamnam ko sa bunganga ko yung sitaw..
"WHAT DA?! WHUAAAAAAAAAA! HOOOOOOO! ANG ANGHAAAAAAANGGGG!"
LOUIE POV
"WHUAAAA! MAY SITAWW! SITAW MY LABSS! SA WAKAS NAGPAKITA KA NADIN!"
Halaa. Halaaaa anyare kay jasmine? Sitaw lang magwawala na agad sya? And besides di yun sitaw..SILI
Tinusok nya lahat nung "sitaw" daw at sabay sabay nyang kinain. Goodluck nalang sayo mamaya!
5,4,3,2..
"WHAT DA?! WHUAAAAAAAAAA! HOOOOOOO! ANG ANGHAAAAAAANGGGG!"
HAHAHAHAHAHAH! Nakakatawa yung pagmumukha nya! Para kamatis sa sobrang pula! HAHAHA! SOBRANG LOL HAHAH
Kinuha nya yung lalagyan nya ng tubig sa bag nya at sa kasamaang palad walang laman!
TELL ME YOU GUYS ARE ENJOYING THIS HAHAHAH
Kaya bumuli ako ng mineral at agad na binayaran sa counter at umupo sa tapat ni Jasmine.
"Maanghang ba?HAHAHAH!" pangasar ko pa sa kanya habang pinapahili ko sa kanya yung bottled water na hawak ko
"A-akin n-a nga yan!!HOOOO!"sagot nya sa kin habang pilit kinukuha sa kamay ko yung mineral na binili ko
"Kiss muna?" sabi ko sa kanya habang tinuturo ko yung chicks ko
And guess what kung anong reaction nya.. binigyan lang naman nya ako ng GUSTO-MONG-MABATUKAN LOOK
"Ito naman di mabiro..oh eto!"sabay tapon sa kanya nung mineral na nasalo naman ni kurdapya! Pagkatapos nun agad syang uminom and guess what na naman kung anong itsura nya habang umiinom.Halos sala-sala na sa bunganga nya yung tubig. Sobrang kadiri HAHAHA
"Yan kasi katakawan! Butinga sayo!"
"Eh..malay ko bang sili pala yun."
"San ka ba naman nakakita ng sitaw na sobrang liit nung buto? San meron nyan? Makahingi nga at itatanim ko? Kakaiba eh!"
"YEAH,WHATEVER!"
Tingnan mo tong babaeng to? Di na nga nagpasalamat dun sa tubig na binigay ko ang lakas pa ng loob mag sungit! OO nalang.
"PERO SALAMAT SA TUBIG NA SOBRANG TAGAL MONG IBIGAY HA?!"
"Marunong ka rin palang magpasalamat..Your welcome my princess!"
"Princess..princess mo mukha mo!"
After nun aba hindi pa natinag si kikay! kain padin sya eh! Iba talaga katakatawan ng babaeng to.
----------------------------------------
May 12, 2015 (not sure if yan talaga yung date nung pinublish ko to but siguro yung late edit ko nito)
Last Edit : January 2, 2018
~ All rights reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the Author. PLAGIARISM is a crime.
Note : Any resemblance of person, place or events are purely coincidental. Patnubay ng mga MAGAGANDANG TULAD KO ang kailangan sa mga mambabasa!BHWUAAAHH!
© 2015 | SiAuthorNgPageNato
BINABASA MO ANG
Me and My Mr. Coat
Teen FictionHI SO UNDERCONSTRUCTION PO YUNG IBANG CHAPTER NITO KASI SYEMPRE 15 YEARS OLD ME ANG NAGSULAT NITO HAHAHA gusto ko sanang burahin kaso dahil nga "batang ako" nagsulat nito, memories narin siguro. I really don't know if maayos ko pa to or what but heh...