Chapter 18 - Rated SPG! 😂💩

55 3 1
                                    

Chapter 18 - Rated SPG! 😂💩

Jasmine POV

Andito kami ngayon sa Hospital kasama ko si Hershey. Hinihintay namin ang paglabas ng Doktor. And we're scared to know the result.

"Bes, papano kung?!" Natatarantang sabi ni hershey

"No Bes! Hindi pwedeng ma-confine ang pinakapaborito kong aso!"

Oo, may aso ako. At oo nasa hospital kami para sa aso ko. Her name is Stacy but to tell you honestly her name is Yassi. Pinangalan ni Hershey kay Yassi Pressman but since mas gusto nyang tinatawag syang Stacy kesa sa Yassi. Ewan ko nga ba dyan kay stacy! Masyadong mapili sa pangalang itatawag sa kanya! Arte HAHAH

Hindi Askal o bulldog yung aso ko ha?! German Sheperd yan! Hindi yung parang K-9 ah?! White German Sheperd yan! Regalo ni dad sakin

Enewey! Kaya pala kami nasa hospital ngayon,ng HAYOP ah? Hindi TAO! Eh dahil 1 week na hanggang ngayun hindi pa kumakain, I mean ayaw nyang talagang kumain! Laging matamlay and hindi na sya naga-aw-aw! Kaya nagpa-check-up kame and sabi nung doktor kailangan pa daw ng mga ilang exams for my dog para daw malaman kung ano yung sakit nya. And the result of this last exam for my dog is going to be final! Meaning pag positive to kailangan i-confine si Stacy. Di ko na maalala kung ano yung saket o virus na yun,basta yun

Charot diba? Hindi lang tayo ang pwedeng i-confine! Pati rin pala hayop! Daeeegggg! By the way, its almost a week na after napatawag kami sa principal's office. Since that day hindi ko pinapansin si Francis. ASA pa sya! Lagi na naming kasama ni Hershey si Louie. Minsan nga hinahatid pa kami eh! Ewan ko ba dun! Bakla na ata yun eh! Eh papano kasi halos nagagalit na nga yung mga ka-team mates nya kasi, hindi na sila masyado nasasamahan ni Louie sa mga gimik nila kasi kami yung laging kasama. 

Pag nga niyayaya namin mag gala, kahit may practice yun sasama talaga! Oh diba! Tas madali pang hagilapin at isama kung saan saan! Si Francis? Ayon sorry ng sorry! Iniirapan ko lang o di kaya'y ini-snob ko! Nakakaasar yung mukha eh! Tsaka pag humuhingi ng sorry parang hindi sincere! Parang sapilitan ba? Basta! Mukha pa nga lang BWISIT na BWISIT na ako,eh what more pa kaya kung pagusapan? Kaya so much for that! Baka manginain pa ako ng mga nagbabasa sa sobrang galit! De dyok lang! Kaw nemen!

And after 12345678910 years! Lumabas din yung doktor karga karga si Stacy.

"Doc??"

"The tests are finally done now and Ms. Dimaano it's.. 

Negative!"

Yowns! Negative! Edi tatalon kami ni hershey dun sa harap ng doktor!

Tudo "Thanks Lord!" nga kami dun sa harapan ng doktor!

Tawa ng tawa naman yung doktor at yung ibang pet owner nakatingin lang samen na parang "ano ba to? naloka na ba 'tong mga to?" Well hindi nyo kami masisisi, masyado kasi naming mahal si stacy

"Pasalamat tayo at hindi sya nadapuan ng "HINDI KUMAKAIN, LAGING MATAMLAY, HINDI NA NAGA-AW-AW ALMOST 1 WEEK NA" virus. Kailangan nya lang ng ilang gamot. Ito nga pala ipainom mo sa kanya para madali syang maka-tae, may nakabara kasi dun sa pwet nya at hindi na naten kailangan pa ng operation para matanggal yon. Itae nya lang at oks na!"

Walastik din tong doktor na to no? Hahah! Sabi ko sayo eh! Mahaba yung saket na yun eh! 😂

By the way, kinuha na namin si stacy dun sa doktor at pagkatapos ibigay yung mga iba pang gamot ni stay, umalis na agad kami! Syempre safe na si stacy! Parteeeeeehhh! 

Nagpunta kami sa isang restaurant. And don't get me wrong, this restaurant is not only for us people but it is also for our pets! Meron sila ditong mga foods for animals, merong cake for our pets. I mean hindi yung sobrang tamis kasi chocolate and other sweets are poison to any animals. Eh kung pakainin ko kaya ng mga sweets si Francis? BWUUAAAHAAHHHAA!!

Me and My Mr. CoatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon