CHAPTER 13 - PAYONG
Sa aking paglalakad bigla nalang umulan,
Naghalo yung luha ko sa ulan..
Marahil ay nakikisama ang panahon sa sakit na aing nararamdaman...
Gusto kong sumigaw!
Itanong sa buong mundo kung bakit ako pinaparusahan ng ganito?!
Nawala na nga sakin si mommy pati ba naman si janine kukunin nya rin?!
Ano pa bang kukunin nya sakin ha?! Yung dad ko naman ba kukunin nya?!
Kinuha mo na lahat ng taong mahalaga sakin! Wala ng natira! Wala!
Maraming sumisigaw sakin na sumilong pero ni isa sa kanila di ko nilingon..
Hanggang sa may lumapit sa akin at pinasilong nya ako dala nyang payong.
"Magpapakamatay ka ba ha?! Kung gusto mong magpakamatay ng madalian, tumalon ka sa building na mataas! Hindi yung pinapahirapan mo yung sarili mo!"
WHAT THE?! Ano bang pake nya?!
" Ano bang pake mo ha?!"
"Alam mo sa totoo lang..WALA! Pero dahil naawa ako sayo! Di mo ba alam yung salitang 'sumilong' ha?!"
Di ko sya pinansin at tuloy-tuloy parin sa paglalakad..habang sya habol na habol
"Tigilan mo nga ako! Di kita kilala! Kaya pwede ba huwag kang sumunod, basa na ako kita mo? So anong sense pa ng payong mo!"
Pero sa halip na tigilan na nya ako inalis nya yung payong nya dahilan upang sya rin ay mabasa
"What the?! Anong ginagawa mo ha?! Magpayong ka nga! Mababasa ka oh!" sigaw ko sa kanya habang inaagaw ko sa kanya yung payong para ipayong ko sa kanya pero di nya ako pinanansin
"Ano ba ang gusto mo ha?! Mababasa ka! Baka ka magkalagnat!" sigaw ko sa kanya
"Ano pang sense ng payong eh basa na ako?" takte
"Ginagaya mo ba ako?!" sigaw ko sa kanya pero tiningnan lang nya ako. Nangaasar ata to eh
"K FINE MISS! You win! Akin na yung payong mo!"
Pakshet!kainis na babae. Sumilong kame hanggang tumigil yung ulan..
Medyo nahulasan nadin ako nun. Kaya nagpasalamat ako dun sa nagpasilong saken. Kahit papano may sumama sakin kahit hindi nya ako kilala.
"Salamat pala sa payong."
"Eh bakit kasi nagpapaulan ka ha?!"
"Trip ko lang."
"Ayos din ang trip mo noh? Sige gabi na eh. Alis na ako"
"Uhmmm..Wait. Anong name mo nga pala"
"Hershey......HERSHEY GONZALES.."
————————————————————————————————————————————————
hi guys!!
2 chapters ung inupdate ko!!
Hope you like it!!
Sorry uet sa wrong spelling...
Still thanks sa reads nyo at sa votes nyo!!
Keep it up guys!!!
love ya!!!
———————————————————————————————————————
----------------------------------------
May 22, 2015
Last Edit : January 2, 2018
~ All rights reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the Author. PLAGIARISM is a crime.
Note : Any resemblance of person, place or events are purely coincidental. Patnubay ng mga MAGAGANDANG TULAD KO ang kailangan sa mga mambabasa!BHWUAAAHH!
© 2015 | SiAuthorNgPageNato
BINABASA MO ANG
Me and My Mr. Coat
Teen FictionHI SO UNDERCONSTRUCTION PO YUNG IBANG CHAPTER NITO KASI SYEMPRE 15 YEARS OLD ME ANG NAGSULAT NITO HAHAHA gusto ko sanang burahin kaso dahil nga "batang ako" nagsulat nito, memories narin siguro. I really don't know if maayos ko pa to or what but heh...