CHAPTER 14 - ONLY STUPID PEOPLE!
I admit kapag nakikita ko si janine kasama si rans, nasasaktan parin ako. Na sana ako yung kasama ni janine..na sana parehas kaming tumatawa.
Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung talaga ba syang naging masaya sa piling ko? Naparamdam ko ba sa kanya na sobra ko syang mahal? O puro pasakit nalang ang binigay ko sa kanya?
I forgot! Di nyo pa pala kilala si janine and the bitch one Rans.
Janine Mendoza is her name.We're bestfriend since birth.
Oo, since birth talaga! Kaya ganun nalang ang panghihinayang ko para sa sarili at para sa amin..
Magkaibigan kasi yung parents namin ni janine as in close na close talaga. Meron silang company at syempre kami rin! Yung company nina mom and dad about sa pagdedesign ng mga bahay at paggawa, engineer kasi si dad and chef naman yung mom ko.
Yung kayna Janine ganun din. Yung dad nya engineer at the same time president ng company nila then yung mom nya CEO ng company nila, so bale nagwo-work silang dalawa sa sarili nilang company. Kahit na magkalaban yung mga company ng mga parents namin,magkaibigan parin sila.
Well I'm proud to say na we're on the second of the most exclusive of all the company dito sa pilipinas at kami rin yung pangalawang pinakamagaling sa lahat ng company dito rin sa pinas at pang-lima naman in asia.
Yung panguna is yung company nina janine and sila yung nasa pangalawa sa asia. Kaya ganun nalang yung pagkahilig ko sa mga design ng mga bahay out there.
Cheering Squad leader din si Janine ng school namin. Kung iyong pagmamasadan, lahat nasa kanya na. Bagama't nakulangan sa talino bawing bawi naman sa itsura at ugali. Maputi at matangkad si janine. Halos lahat ng guy sa school may gusto sa kanya, kaya laking saya ko nalang nung sinagot nya ako. Papano kasi halos sya na yung "IDEAL GIRL"para sa aming mga lalaki.
Mabait naman sya, never syang naging selfish pero nung dumating si rans, nagbago na ang lahat. Nagbago na sya.
Rans Rhemuz Montealegre, sya yung bitch sa buhay namin ni janine.
As I said kanina pa dito,sya yung "NEW BOYFRIEND" ni janine.
Basketball player sya, varsity sya. Kasama sya sa team nina Louie. But honestly kung ipagkukumpara silang dalawa,mas lamang si louie. Mas gwapo si louie pero mas gwapo ako kahit ano pang gawing paligo ni louie eh pano pa kaya si rans? Baka ni wala pa yun sa talampakan ko
Mas mabait din at mas matalino! Ay oo nga pala, wala palang utak yung gagong yun! Hahahaha! Hindi namin sya ka-section, actually silang dalawa nung second year. But sa kasamaang palad, kaklase namin silang dalawa. Kaya araw araw nakikita ko yung mga paglalandi nilang dalwa!
Back to reality..
Andito parin ako sa balcony ng kwarto ko, bawat haplos ng hangin sa aki'y kasabay rin ng bawat patak ng aking luha.
Luhang pumatak mula sa aking papapunta sa.......CELLPHONE?!
Nakalapag kasi dun sa may pasamano yung phone ko
Acutally, I'm starring through my phone right now. Starring at our picture to be exact
"Bakit ba kasi kailangan mangyare lahat ng to? Hanggang kailan ba ako magpapanggap na okey ako? Na nakapag move-on ako? Habang buhay ba to? *sigh* Sana hindi na nangyari ang lahat ng to. I really miss Janine I mean US."
FRANCIS POV
Its already 10 in the evening at gising pa ako! Sa tuwing pinipikit ko yung mga mata ko, nakikita ko yung abnoy na mukha ni jasmine!
BINABASA MO ANG
Me and My Mr. Coat
Teen FictionHI SO UNDERCONSTRUCTION PO YUNG IBANG CHAPTER NITO KASI SYEMPRE 15 YEARS OLD ME ANG NAGSULAT NITO HAHAHA gusto ko sanang burahin kaso dahil nga "batang ako" nagsulat nito, memories narin siguro. I really don't know if maayos ko pa to or what but heh...