"Happy New Year sa inyo!!" Masayang salubong sa amin ni Katrina on a Monday morning after ng bakasyon. "Nasaan ang mga regalo ko?" Tanong nito sabay pamaywang.
"Tapos na ang pasko, happy new year na nga diba?" Hannah answered her sarcastically.
"Maghintay ka na lang sa birthday mo." Sambit naman ni Eliafie.
"Oh di kaya humingi ka na lang dun sa boylet mo." Wika naman ni Jerica.
Napataas ako ng kilay at tinignan si Katrina maski si Hannah at Eliafie ay nakatingin din dito.
"May boylet ka? Sino?" Tanong ko.
"Huh? Boylet? Wala noh, maniwala kayo dyan kay Jerica." She answered defensively.
"Hmmm, defensive ka pa eh." Tukso ni Jerica.
"Aba, makasabi to." Katrina smirk mischievously. "Eh may kasama ka din namang boylet ng araw na yon ah, akala mo ha."
Biglang namula si Jerica. "Pinsan ko lang yon noh."
"Ano to? Hannah ang peg? Pinsan daw si Mark?" Sambit ni Eliafie.
"Oh? Ba't nasama ako dyan?" Sambit ni Hannah tapos napatingin kay Eliafie. "Wag mo nga akong masama-sama dyan kung ayaw mong sabihin ko ang nakita ko din noong bakasyon."
I look at them all curiously. "Aba, nagbakasyon lang at parang nagkalove life kayong apat ah."
"Hindi naman daw kasi pwedeng ikaw lang ang may love life sa barkada." Wika ni Hannah.
"So sinagot mo na pala si Mark niyan Han?" Eliafie teased wiggling her brow.
"Oo naman." Biglang sumulpot si Mark sa may likuran ni Hannah at inakbayan ito. "Hindi na niya kaya ang tawag ng pag-ibig at sinagot na niya ako ng matamis niyang oo."
Napasimangot si Hannah na kinuha ang kamay ni Mark sa kanyang balikat. "Break na tayo." Pinandilatan niya ito tapos bumaling sa amin. "Mauna na ako, see you na lang mamaya." At pagkatapos nun ay tumalikod na siya at umalis na nakabuntot si Mark na nagtatanong kung break daw ba talaga sila. Kami naman ay naiwan na tawang tawa sa kanilang dalawa.
"So, kaninong boylet ang susulpot pa?" I asked teasingly.
"Anong boylet yan babe?" Boylet ko pala ang sumulpot.
I look up to Blake who had wrap his arm around my shoulder. "Well, this three or I should say four kaya lang umalis na si Hannah, had a lovely Christmas vacation that after that they now have a boylets of their own."
"Hmmm." Tumango si Blake. "And I think one of the boylets is my classmate." Kininditan nito si Katrina. At hindi ko alam kung ang pamumula ng pisngi ni Katrina ay sa pagkindat ni Blake o dahil sa na buking ito. "And as a matter of fact ay hinahanap siya." Ngumisi si Blake tapos biglang lumingon. "Hey Jason!"
Lumingon din ako at nakita kong napalingon ang isang lalaki na nasa linya ng section nila Blake. "I found your girl!" Dagdag na sigaw ni Blake at napangisi naman ang lalaki na si Jason tapos lumapit sa amin.
"Hey baby, there you are. Kanina pa kita hinahanap." Sambit nong Jason sa kay Katrina sabay halik sa pisngi. Pulang pula naman ang mukha ng bruha dahil sa ginawa ng boylet niya.
Eliafie, Jecay and I look at each other and mouthed "baby" then chuckled. Si Katrina naman ay napatingin sa kay Jason at kinurot ito sa braso. "Diba sabi ko sayo wag mo akong tawagin na baby."
Jason smirked. "But I love calling you baby, baby. Napakasweet kasing pakinggan parang ikaw."
Katrina face palmed. "Oh my gawd, bakit nga ba kita sinagot?"
BINABASA MO ANG
Just Like In The Story <COMPLETE>
Teen FictionIt was a teenage love. a teenage love turn into a story then into reality? Paano kung ang isang fiction story na ginawa mo sa iyong hidden puppy love ay naging totoo? Totoo nga ba to? o isang panaginip lang? o isang kasinungalingan?