"Say cheese!" Sabay naming limang sabi habang nag groupie sa phone ni Katrina. Nagtawanan kaming lima pagkatapos at nagkagulo sa pagtingin ng mga pictures namin. Para lang kaming mga baliw.
"Haixt, I can't believe this is the day." Buntong hininga na sabi ni Jerica.
"Oo nga, graduation na natin." Hannah said as she wraps her arms around Eliafie's shoulder. "Grabe, ang bilis ng panahon."
"Oo nga parang kailan lang ng first day of class ah." Dagdag naman ni Eliafie.
Tumango tango si Katrina at inakbayan kami ni Jerica. "Tapos ngayon last day na natin dito sa school and then we will be going our own separate ways."
Napangiti ako sa mga malulungkot nilang mukha. I felt sad also but I don't want the sadness to take over me right now kasi gusto ko na maging masaya ang araw na to. Because this will be the last day that I will spend in this school, the last day that I will spend with this crazy girls I call friends.
"Ang drama niyo talaga." Tukso ko sa kanila. "Mabuti pa siguro magsibalik na tayo sa linya natin at parang magsastart na ang graduation."
"Sus, KJ ka talaga." Hampas ni Katrina sa balikat ko. At tamang tama naman pagkahampas niya ay pag announce ng emcee ng graduation program na magsastart na.
"See, I told you." Sambit ko sa kanya and she just rolled her eyes. "Magkita kita na lang tayo pagkatapos ng program guys." Sabi ko sa iba at kinaladkad na si Katrina sa section namin.
Nakalinya na kaming dalawa ng magstart na talaga ang program. And the first one to march to their seats are the Special Science Class.
"Hey Eliza." Siko ni Katrina sa akin. "Si Blake Harris Valenciano oh." Turo niya kay Blake na last naglakad sa section niya, alphabetical kasi.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So? Aanhin ko naman siya?"
"Alam mo, hindi ko pa din talaga ma intindihan kung bakit nakipagbreak ka sa kanya." Pailing iling na sambit nito.
"Wag mo na kasing intindihan Katrina Faith."
"Hindi kaya eh." Umiiling pa din ito. "Sayang kasi, alam mo yon, parang yong Kim at Gerald lang noong nagbreak sila dahil kay Maja, sayang. Pero wala namang third party ang sa inyo ni Blake kaya mas naging sayang pa."
"Singapore." Sambit ko.
She looks at me confusedly. "Ano?"
"Singapore." Sambit ko ulit. "Singapore ang third party."
"Sus, distance lang naman yon. Pwede naman kayong magLDR ah."
Umiiling ako. "Basta, wag mo na kasing intindihen pa. Break na kami, just get over it."
Taas kilay na tumingin sa akin si Katrina. "Are you over it?"
Hindi na ako nakasagot sa tanong niya dahil tinawag na ang section namin at nagmartsa na kami papunta sa aming mga upoan. Save by the bell. Pero sa totoo lang, I was not yet over it. Blake was my freaking first boyfriend for Pete sake and a perfect one at that while I was not even worth of his love, so obviously I was not yet over it. And maybe will never get over it for a long time.
I was silent as the graduation program goes on with eyes practically glued to Blake's, whose head just in line of my vantage point.Ito na kasi ang huling pagkakataon na makikita siya kaya kahit sa ganitong paraan lang ay lulubosin ko na. It is kind a funny thing though, funny kasi kung hindi naging kami ay ganito din siguro ang gagawin ko sa moment na to. Patingin tingin lang, pasulyap sulyap, kasi hanggang dyan lang naman ang lugar ko.
At nang tinawag na ang SSTC para bigyan ng diploma at ng tinawag na ang pangalan ni Blake ay isa siguro ako sa mga babae na fans niya ang pumalakpak. At baka ako pa ata ang pinakamalakas. I was fangirling for him for the last time.
BINABASA MO ANG
Just Like In The Story <COMPLETE>
Teen FictionIt was a teenage love. a teenage love turn into a story then into reality? Paano kung ang isang fiction story na ginawa mo sa iyong hidden puppy love ay naging totoo? Totoo nga ba to? o isang panaginip lang? o isang kasinungalingan?